Pumunta sa nilalaman

Cai Shen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bi Gan)
Si Cai Shen.
Isa itong pangalang Tsino; ang apelyido ay Lin.

Si Cai Shen, Ts'ai Shen, o Tsai Shen Yeh (Tsinong pinapayak: 财神; Tsinong tradisyonal: 財神; pinyin: Cáishén; Wade–Giles: Tsai2 Shen2; Pe̍h-ōe-jī: Tsâi-sîn, Kantones: Choy Sun, Hakka: Choy Sin) ay ang diyos ng kasaganahan, diyos ng kapalaran, o diyos ng yaman ng mga Taoistang Intsik. Maaari siyang tukuyin bilang Zhao Gongming (Chao Kung-ming) o Bi Gan (Pi-kan).[1] Bagaman nagsimula si Cai Shen bilang isang bayani sa mga kuwentong-bayan ng mga Intsik, lumaon siyang diniyos at sinamba ng mga lokal na tagasunod at mga tagahanga, katulad ng mga naniniwala sa Taoismo at Budhismo ng Dalisay na Lupain.

Niluluhudan ang pangalan ni Cai Shen tuwing panahon ng mga pagdiriwan ng Bagong Taon ng mga Intsik[1] Kadalasan siyang inilalarawan na nakasakay sa isang itim na tigre at may hawak na ginintuang patpat. Maaari rin siyang inilalarawan na may sandatang yari sa bakal.

Ikinakalat ang ilang mga bersiyon ng mga kinasasamahang pampolitika at pagkadiyos ni Cai Shen.[1] Hindi malinaw kung siya ay isang tunay na pigurang pangkasaysayan, bagaman ang karamihan sa mga kuwento ang umaayon na namuhay si Cai Shen noong kaagahan ng Dinastiyang Qin. Pinaniniwalaang nagkaroon si Bi Gan na may apelyidong Chen (陈) (Chan sa Kantones at Chin sa Hakka). Anak niyang lalaki si Quan (泉). Pagkaraang ipapatay si Bi Gan ng kanyang pamangking lalaki na si Haring Di Xin ng Shang, tumakas ang asawa at anak na lalaki ni Bi Gan papunta sa mga kahuyan. Sa paglaon, ang kanyang kamatayan ay tumatak bilang pagbagsak ng Dinastiyang Shang. Sa paglaon, pinarangalan si Quan bilang ninuno ng lahat ng mga Lin ni Haring Wu ng Zhou.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]