Pumunta sa nilalaman

Black Canary

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Black Canary
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDC Comics
Unang paglabasFlash Comics #86 (Agosto 1947)
TagapaglikhaRobert Kanigher
Carmine Infantino
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanDinah Drake
Dinah Drake-Lance
Dinah Laurel Lance
EspesyeMetahuman
Kasaping pangkatDinah Drake:
Justice Society of America
Dinah Laurel Lance:
Justice League
Justice League International
Justice League Task Force
Birds of Prey
Dinah Drake-Lance:
Justice League
Justice League of America II
Justice Foundation
Birds of Prey
Team 7
KakampiGreen Arrow
Huntress
Kilalang alyasSiu Jerk Jai, Operative Canary, D.D., Dangerous Diva, Canary, Laurel, Pretty Bird
Kakayahan
  • Dalubhasa sa sining pandigma at mano-manong labanan
  • Ultrasonikong sigaw
  • Lumipad/Sumalimbay

Si Black Canary ay pangalan ng dalawang kathang-isip na superheroine na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics: sina Dinah Drake at Dinah Laurel Lance kasama ang ni-reboot na sama-samang bersyon sa loob ng The New 52. Nilikha ang orihinal na bersyon ng pangkat na manunulat-tagaguhit nina Robert Kanigher at Carmine Infantino, unang lumabas ang karakter sa Flash Comics #86 (Agosto 1947).[1] Isa sa mga pinakaunang mga superheroine, lumabas ang pamagat na Black Canary sa maraming flagship na tambalan ng kompanya kabilang ang Justice Society of America at Justice League of America. Simula pa noong huling bahagi ng dekada 1960, naitambal ang karakter sa arkerong superhero na si Green Arrow, sa parehong propesyunal at romantikal.

Nagkaroon ng iba't ibang adaptasyon si Black Canary. Sa seryeng pantelebisyon na Birds of Prey, ginampanan siya ni Rachel Skarsten, at sa Smallville, ginampanan siya ni Alaina Huffman. Sa Arrow at sa ibang palabas ng Arrowverse, ang mga karakter na Dinah Laurel Lance, Sara Lance at Dinah Drake ay ginampanan nina Katie Cassidy, Caity Lotz at Juliana Harkavy. Unang lumabas sa pelikula si Dinah Lance sa pelikula ng DC Extended Universe na Birds of Prey, na ginampanan ni Jurnee Smollett-Bell.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cowsill, Alan; Irvine, Alex; Korte, Steve; Manning, Matt; Wiacek, Win; Wilson, Sven (2016). The DC Comics Encyclopedia: The Definitive Guide to the Characters of the DC Universe (sa wikang Ingles). DK Publishing. p. 42. ISBN 978-1-4654-5357-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Margot Robbie Reveals Full 'Birds of Prey' Title: 'The Fantabulous Emancipation of One Harley Quinn'". thehollywoodreporter (sa wikang Ingles). Nobyembre 20, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 22, 2018. Nakuha noong Nobyembre 20, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)