Pumunta sa nilalaman

Black Panther

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Black Panther (komiks))

Si Black Panther ay isang kathang-isip na superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng Marvel Comics. Nilikha ang karakter ng manunulat-patnugot na si Stan Lee at manunulat-tagaguhit na si Jack Kirby, unang lumabas ito sa Fantastic Four #52 (nakapetsa noong Hulyo 1966) sa Tansong Panahon ng Komiks. T'Challa ang tunay na pangalan ni Black Panther, at isinasalarawan siya bilang tagapagtanggol ng kathang-isip na bansang Aprikano na Wakanda. Kasama ng pagkakaroon ng pinabuting kakayahan na natamo sa pamamagitan ng sinaunang ritwal ng taga-Wakanda sa pag-inom ng hugis-pusong halamang-gamot, umaasa din si T'Challa sa kanyang husay sa siyensiya, mabagsik na pisikal na pagsasanay, kasanayan sa mano-manong pakikipaglaban, at mapagkukunang yaman at masulong na teknolohiya ng Wakanda upang labanan ang mga kalaban.

Si Black Panther ang unang superhero na mula sa lahing Aprikano sa pangunahing Amerikanong komiks, na unang lumabas bago ang ibang mga superhero na itim tulad ng mga karakter ng Marvel Comics na sina Falcon (1969), Luke Cage (1972), at Blade (1973) o ang mga karakter ng DC Comics na sina John Stewart na naging Green Lantern (1971). Sa isang linya ng istorya, ang katauhang Black Panther ay pinamamahalaan ni Kasper Cole, isang pulis ng Lungsod ng New York na maraming lahi. Nagsimula bilang isang manggagaya, kinuha ni Cole ang pangalang White Tiger at naging kakampi ni T'Challa. Ang pagganap ni Black Panther at ang pamunuan ng Wakanda ay binigay din sa kapatid ni T'Challa na si Shuri sa sandaling panahon.

Lumabas si Black Panther sa maraming pagpapakita sa iba't ibang palabas sa telebisyon, animasyong pelikula at larong bidyo. Si Chadwick Boseman ang gumanap sa karakter na Black Panter sa mga pelikula ng Marvel Cinematic Universe na kinabibilangan ng Captain America: Civil War (2016), Black Panther (2018), Avengers: Infinity War (2018), at Avengers: Endgame (2019), at binosesan ang karakter sa unang season ng animasyong serye na What If...? (2021).

Noong 2011, nakaranggo si Black Panther sa ika-51 sa kabuuang tala ng IGN na "Pinakamataas na 100 Bayani sa Komiks."[1]

Konsepto at paglikha

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nauna ang pangalang Black Panther sa pagkakatatag ng'Black Panther Party noong 1966, bagaman hindi ang logo ng black panther ng sinundan ng partido, ang Lowndes County Freedom Organization (LCFO), o kahit ang nakabukod na Ikalawang Digmaang Pandaigdig na Black Panthers Tank Battalion.[2][3] Ipinagkaila ng kasamang-manlilikha na si Stan Lee na ang komiks, na nauna kaysa pampolitikang gamit ng katawagan, ay maaring ipinangalan sa kahit anong pampolitikang gamit ng katawagang "black panther", kabilang ang LCFO, at binanggit niya ito bilang "isang kakaibang pagkakataon."[4] Siya ang unang itim na superhero sa pangunahing komiks sa Estados Unidoss; napakakaunti ang mga itim na bayani ang nilikha bago siya, at wala ang itim na karakter na may aktuwal na superpower. Kabilang dito ang mga karakter sa nag-iisang isyu ng mababang-distribusyon ng All-Negro Comics #1 (1947);[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "IGN's Top 100 Comic Book Heroes: #51 Black Panther". IGN (sa wikang Ingles).
  2. Cronin, Brian (Disyembre 5, 2008). "Comic Book Legends Revealed #183" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 6, 2008. Nakuha noong Disyembre 13, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Origin of the Black Panther Party logo". H.K. Yuen Social Movement Archive (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-12-11. Nakuha noong Disyembre 13, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Mitchell, Maurice (Pebrero 14, 2018). "The Secret History of Black Panther by Stan Lee". The Geek Twins (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 19, 2018. Nakuha noong Oktubre 23, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Christopher, Tom (2002). "Orrin C. Evans and the story of All-Negro Comics" (sa wikang Ingles). TomChristopher.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 7, 2009. Nakuha noong Hulyo 1, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) muling inimprenta mula sa Comics Buyer's Guide Pebrero 28, 1997, pp. 32, 34, 37-38. Kabilang sa artikulo ang muling inimprenta na editoryal na pahinang "All-Negro Comics: Presenting Another First in Negro History" from All-Negro Comics #1