Pumunta sa nilalaman

Braille

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Braille
⠃ (braille pattern dots-12)⠗ (braille pattern dots-1235)⠇ (braille pattern dots-123)
finger tip touching page with raised dots
UriAlpabeto (di-linyar)
Mga wikaMga ilan
LumikhaLouis Braille
Panahon1824 hanggang kasalukuyan
Mga magulang na sistema
Mga anak na sistemaBraille ng Pranses
Braille ng Ingles
Braille ng Bharati
Braille ng Tsino
Braille ng Hapones
Braille ng Koreano
atbp.
Mga kapatid na sistemaNew York Point
ISO 15924Brai, 570
DireksyonKaliwa-kanan
Alyas-UnicodeBraille
Lawak ng UnicodeU+2800–U+28FF

Ang braille /ˈbrl/ (Braille: ⠃⠗⠇; Pranses: [bʁaj]) ay isang kinakapang sistema ng pagsulat na ginagamit ng mga taong may pinsala sa paningin. Kinaugalian nang isulat ito sa pinaumbok na papel (embossed paper). Ang mga gumagamit ng braille ay nakakapagbasa ng mga iskrin ng kompyuter at iba pang de-koryenteng suporta gamit ang mga refreshable braille display. Nakakapagsulat sila ng braille sa pamamagitan ng orihinal na pisara at panulat (slate and stylus) o makinilyahin sa pansulat ng braille, tulad ng nabibitbit na tagapagtala ng braille o kompyuter na gumagamit ng pang-umbok ng braille (braille embosser) sa paglilimbag.

Pinangalanan ang Braille sa tagalikha nito, Louis Braille, isang taga-Pransya na nabulag dahil sa isang aksidente sa pagkabata. Noong 1824, sa edad na kinse anyos, nakapaglinang siya ng kodigo para sa alpabetong Pranses bilang pagpapabuti sa sulat panggabi. Inilathala niya ang kanyang sistema, na sa kalaunan ay kinabilangan ng talihalat na pangtugtugin, noong 1829.[1] Ang ikalawang bersyon, na inilathala noong 1837, ang naging unang maliit na dalawahan (small binary) na sistema ng pagsulat na nilinang sa modernong panahon.

Ang mga karakter na ito ay may mga parahabang bloke na tinatawag na selda (cell) na may mga maliliit na bukol na tinatawag na nakaangat na tuldok (raised dots). Nagpapatangi ang bilang at pagkaayos ng mga tuldok sa mga karakter. Dahil nagmula ang mga alpabetong braille sa pagiging kodigo ng transkripsyon para sa inilimbag na pagsusulat, nag-iiba ang pagmamapa (pangkat ng pagtatalaga ng karakter) sa bawat wika, at kahit sa loob ng isang wika; sa Braille ng Ingles mayroong tatlong antas ng pagkokodipika: Ika-1 Baitang – isang titik-por-titik na transkripsyon na ginagamit para sa saligang literasiya; Ika-2 Baitang – pagdaragdag ng mga pagdaglat at pagpapaikli; at Ika-3 Baitang – mga iba't ibang di-isinapamantayang personal na estenograpiya.

Hindi lamang selda ng braille ang lumilitaw sa tekstong braille. Maaaring magkaroon ng mga nakaumbok na larawan at talangguhit, kung saan ang mga linya ay tuwid o binubuo ng mga serye ng mga tuldok, palaso, puntong panglista (bullet point) na mas malaki sa mga tuldok ng braille, atbp. Binubuo ang isang punong selda ng braille ng anim na nakaangat na tuldok na isinaayos sa dalawang tudling, kung saan ang bawat tudling ay tatlong tuldok.[2] Tinutukoy ng bilang mula isa hanggang anim ang mga posisyon ng tuldok.[2] 64 ang posibleng kombinasyon, kabilang dito ang walang tuldok para sa espasyong pansalita (word space).[3] Maaaring gamitin ang selda upang kumatawan sa titik, tambilang, bantas, o kahit salita.[2]

Isang isyu sa panlipunang hustisya ang literasiya sa braille.[4] Napakaimportante ang maagang edukasyon sa braille para sa literasiya, edukasyon at empleo sa mga bulag. Gayunpaman, sa harap ng mga pagbabago sa patakaran sa edukasyon at screen reader software, nabawasan ang paggamit ng braille sa mga nakaraang dekada, sa kabila ng katotohanan na naging mas madaling gamitin at praktikal ang braille dahil sa mga teknolohiya tulad ng braille display.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Braille, Louis (1829). Method of Writing Words, Music, and Plain Songs by Means of Dots, for Use by the Blind and Arranged for Them [Paraan sa Pagsulat ng Salita, Musika, at Payak na Kanta sa pamamagitan ng Tuldok, para Gamitin ng mga Bulag at Isinaayos para sa Kanila] (sa wikang Ingles).
  2. 2.0 2.1 2.2 "The Dot Positions Are Identified by Numbers from One Through Six" [Nakikila ang Posisyon ng mga Dot sa pamamagitan ng Bilang mula Isa hanggang Anim]. AFB.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 8, 2019. Nakuha noong Hunyo 19, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Louis Braille and the Braille System" [Si Louis Braille at ang Sistemang Braille] (sa wikang Ingles). Nakuha noong 16 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Experts Gathering In Houston To Discuss How Braille Is Taught – And What It Can Teach Us [Mga Dalubhasa, Nagtitipon sa Houston Upang Talakayin Kung Paano Tinuturo ang Braille at Kung Ano Ang Matututunan Natin Dito] (sa Wikang Ingles). National Public Radio, Mayo 5, 2018