Pumunta sa nilalaman

Camporotondo di Fiastrone

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Camporotondo di Fiastrone
Comune di Camporotondo di Fiastrone
Lokasyon ng Camporotondo di Fiastrone
Map
Camporotondo di Fiastrone is located in Italy
Camporotondo di Fiastrone
Camporotondo di Fiastrone
Lokasyon ng Camporotondo di Fiastrone sa Italya
Camporotondo di Fiastrone is located in Marche
Camporotondo di Fiastrone
Camporotondo di Fiastrone
Camporotondo di Fiastrone (Marche)
Mga koordinado: 43°8′N 13°16′E / 43.133°N 13.267°E / 43.133; 13.267
BansaItalya
RehiyonMarche
LalawiganMacerata (MC)
Pamahalaan
 • MayorGiorgio Diletti
Lawak
 • Kabuuan8.81 km2 (3.40 milya kuwadrado)
Taas
335 m (1,099 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan533
 • Kapal60/km2 (160/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
62020
Kodigo sa pagpihit0733

Ang Camporotondo di Fiastrone ay isang komuna (munisipalidad) ng humigit-kumulang 580 na naninirahan sa Lalawigan ng Macerata sa rehiyon ng Marche ng Italya, na matatagpuan mga 60 kilometro (37 mi) timog-kanluran ng Ancona at mga 25 kilometro (16 mi) timog-kanluran ng Macerata.

Ang Camporotondo di Fiastrone ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Belforte del Chienti, Caldarola, Cessapalombo, San Ginesio, at Tolentino.

Sa silangan lamang ng bayan ay ang Franciscanong Kumbento ng Colfano.

Ang pinakasinaunang pinagmulan ng Camporotondo di Fiastrone ay nagsimula noong panahon ng mga Romano, bagaman ang unang balita ay opisyal na nagsimula noong kalagitnaan ng ikalabindalawang siglo, mas tiyak noong 1147. Noong panahong iyon, ang nayon ay may mga toponimo ng Ventiliano at ng Carufo o Garufo-Garufa. Ang mga may-ari ng lupa sa lugar na iyon ay mga monghe na kabilang sa abadia ng San Clemente a Casauria at ng abadia ng Farfa at malamang na ang pagbuo ng medyebal castrum ay itinatag buhat sa arkidiyosesis ng Camerino-San Severino Marche at pagdating ng mga kolonista ng mga karatig nayon.[3][4] Sa kabila ng mga nagsasatiling batas, ang Munisipalidad ay laging nananatili sa interes ng Camerino at ng pamilyang Da Varano, hanggang sa ipasok ito sa Estado ng Papa.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "La storia | Turismo". turismo.comune.camporotondodifiastrone.mc.it. Nakuha noong 2021-11-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Camporotondo di Fiastrone" (sa wikang Italyano). Nakuha noong 2021-11-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Camporotondo di Fiastrone". Passi Azzurri. Nakuha noong 2021-11-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)