Pumunta sa nilalaman

Panandaliang ugnayang pampagtatalik

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Casual sex)

Ang Kasuwal na pagtatalik, kasuwal na pakikipagtalik, panandaliang ugnayang pampagtatalik, pansamantalang ugnayang pampagtatalik, pahapyaw na ugnayang pampagtatalik, nagkataon lamang na ugnayang pampagtatalik, hindi sinasadyang ugnayang pampagtatalik, o nagkataon at hindi sinasadyang ugnayang pampagtatalik (Ingles: casual sex o hooking up) ay tumutukoy sa pihong mga uri ng mga gawaing pangpagtatalik ng tao na nasa labas ng diwa ng isang ugnayang romantiko. Ang kataga ay hindi palagiang ginagamit na parating iisa ang kahulugan: may ilang gumagamit dito upang tukuyin ang anumang pagtatalik na nasa labas ng kasal (pagtatalik na ekstramarital), may ilang gumagamit dito upang tukuyin ang pagtatalik na nasa loob ng isang relasyong kaswal (ugnayang panandalian o ugnayang pahapyaw), ngunit mayroon namang ibang nilalaan ang paggamit nito para sa mga engkuwentro sa iisang pagkakataon lamang, promiskuwidad, o upang tukuyin ang pagtatalik na walang paglalapit ng mga damdamin (pagtatalik na walang damdamin) o pag-ibig.[1][2]

Ang ibang mga kataga na paminsan-minsang may kaugnayan sa pagtatalik na kasuwal ay kinasasamahan ng pagtatalik na pangrekreasyon (tinatawag ding pagtatalik na pang-aliw o pagtatalik na panglibang), pagtatalik na pangsosyalan o pagtatalik na pangpakikisama (social sex), ugnayang pisikal, o ugnayang pangkatawan. Tumutukoy ang pagtatalik na rekreasyonal o pagtatalik na pangpakikisama sa gawaing seksuwal kung saan ang mga tao na nagsasagawa ng gawaing ito ay nakatuon sa kasiyahang seksuwal ng gawain na walang damdamin o paninindigan. Ang pagtatalik na pangrekreasyon ay maaaring maganap sa isang bilang ng mga diwa. Maaari, bilang halimbawa, itong mangyari sa bukas na kasal (hindi nakasarang kasal),[3] katulad ng sa mga nagpapalitan ng mga katalik kung saan ang pagtatalik ay tinatanaw bilang isang okasyong panlipunan o sosyalan,[4][5] o sa isang bukas na relasyon (bukas na ugnayan). Maaari rin itong maganap sa loob ng isang relasyong kasuwal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. casual - Definition from the Merriam-Webster Online Dictionary
  2. "casual sex - Definitions from Dictionary.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-09-21. Nakuha noong 2012-01-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Jenks, R. (2001). The Lifestyle: A Look at the Erotic Rites of Swingers, by Terry Gould. Journal of Sex Research, 38,171-173.
  4. Bergstrand, Curtis; Blevins Williams, Jennifer (2000-10-10). "Today's Alternative Marriage Styles: The Case of Swingers". Electronic Journal of Human Sexuality. 3. Nakuha noong 2010-01-24.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Recreational Sex : An Insider's Guide to the Swinging Lifestyle, by Patti Thomas. ISBN 978-0966439809.