Pumunta sa nilalaman

Carlos VI, Banal na Emperador Romano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Carlos VI, Banal na Emperador Romano
Lalad Habsburgo

Si Carlos VI (Aleman: Karl; Latin: Carolus; 1 Oktubre 1685 - 20 Oktubre 1740) ay Banal na Emperador ng Roma at pinuno ng Austriakong Monarkiyang Habsburgo mula 1711 hanggang sa kaniyang kamatayan, humalili sa kaniyang nakatatandang kapatid na si Jose I. Hindi niya matagumpay na naangkin ang trono ng España pagkatapos ng pagkamatay ng kanyang kamag-anak, si Carlos II. Noong 1708, pinakasalan niya si Isabel Cristina ng Brunswick-Wolfenbüttel, kung saan nagkaroon siya ng apat na anak: Leopold Johann (na namatay sa pagkabata), Maria Theresa (ang huling direktang Habsburgong soberano), Maria Anna (Gobernadora ng Austriakong Olanda), at Maria Amalia (na namatay rin sa pagkabata).

Si Arkiduke Carlos (binyagan bilang Carolus Franciscus Josephus Wenceslaus Balthasar Johannes Antonius Ignatius), ang pangalawang anak ng Emperador Leopoldo I at ng kaniyang ikatlong asawa, si Prinsesa Leonor Magdalena ng Neuburg, ay isinilang noong 1 Oktubre 1685. Ang kaniyang tagapagturo ay si Anton Florian, Prinsipe ng Liechtenstein