Chester W. Nimitz
Si Chester William Nimitz (24 Pebrero 1885 – 20 Pebrero 1966) ay isang Amerikanong almirante ng pulutong ng mga barko ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos. Gumawa siya ng isang pangunahing gampanin sa kasaysayang nabal ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang Punong Komandante ng pulutong sa Pasipiko ng Estados Unidos (Commander in Chief for the Pacific Fleet, o CinCPac) para sa mga puwersang nabal ng Estados Unidos at Punong Komandante ng mga pook sa Karagatang Pasipiko (Commander in Chief for Pacific Ocean Areas o CinCPOA) para sa puwersa ng Estados Unidos at ng mga kaanib na panghimpapawid, panglupa at pangdagat noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1] Bilang komander ng pulutong na pandagat ng Estados Unidos sa Pasipiko noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang kaniyang estratehiya ay nakatulong sa pagtalo sa hukbo ng mga Hapones.[2]
Si Nimitz ay nangungunang awtoridad ng mga submarino ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos, pati na Hepe ng Tanggapan ng Nabigasyon ng Hukbong Dagat ng Estados Unidos noong 1939. Naglingkod siya bilang Chief of Naval Operations (CNO, "Hepe ng mga Operasyon ng Hukbong Dagat") mula 1945 hanggang 1947. Siya ang huling nabubuhay pang admiral ng pulutong na pandagat ng Estados Unidos.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Potter, E. B. (1976). Nimitz. Annapolis, MD: Naval Institute Press. pp. 45. ISBN 0-87021-492-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R132.