Pumunta sa nilalaman

Pagtatalik na may laan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Coitus reservatus)

Ang Coitus reservatus (coitus, "pagtatalik, pagdadaop, pagsasanib" + reservatus, "itinabi, inireserba, sinagip"),[1], kilala rin bilang pagpipigil na pangpagtatalik (sexual continence), o kaya bilang pagtatalik na may paglalaan, pagtatalik na may laan, pagtatalik na may inilaan, pagtatalik na may nakalaan, nakapintong na pagtatalik, nakareserbang pagtatalik, may pagsasagip na pagtatalik, pagtatalik na may sagip, may pasubaling pagtatalik, may pinaglalaanang pagtatalik, at nakalaang pagtatalik, ay pangkaraniwang iniisip bilang isang anyo ng pagtatalik kung saan ang katambal na pumapasok ay hindi nagtatangkang magpalabas sa loob ng tumatanggap o pinagpapasukang kapareha, ngunit sa halip ay sumusubok na manatili sa panatag na kalagayan (plateau phase) ng pagtatalik hangga't makakaya at hangga't maaaring gawin, na nag-iiwas sa paglabas, pagbuga o pagpulandit ng punlay at tamod. Isa pang katagang ginagamit para sa ganitong uri ng pakikipag-ugnayan ay ang salitang karezza.

Ang salitang karezza ay pangkalahatang pinaniniwalaan na hinango magmula sa salitang Italyanong carezza na nangangahulugang "haplos", "hagod", "himas", o "lambing". Subalit, naniniwala si Alan W. Watts na isa itong salitang Persa.[2] Inimbento ni Alice Bunker Stockham ang salitang karezza at may kaugnayan sa maithuna ng Budistang Tantra at Sahaja ng Yogang Hindu.[3]

Ginamit ng mga Rosikrusyano ang "coitus reservatus" o "karezza" bilang isang gawaing esoteriko (palihim).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Compact Latin Dictionary ni Cassell, Dell Publishing Co. Inc., 1963
  2. Watts, Alan W. (1970). Nature, Man and Woman. Random House Inc. Vintage Books Edition. p. 172. LCCN 58-8266.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Coomaraswami, Ananda K. (1957). The Dance of Shiva. New York City: The Noonday Press Inc. p. 124. LCCN 56-12296.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)