Pumunta sa nilalaman

Hilaga-Kanlurang Lagusan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Daanang Hilaga-Kanluran)

Ang Hilaga-Kanlurang Lagusan o Hilaga-Kanlurang Daanan ay isang rutang pandagat sa pamamagitan ng paglalayag sa Karagatang Atlantiko, sa hilagang dalampasigan ng Hilagang Amerika sa pamamagitan ng mga daanang-tubig sa gitna ng Kapuluan ng Artikong Kanadyano, na nag-uugnay ng Karagatang Atlantiko at ng Karagatang Pasipiko.[1][2] Ang sari-saring mga pulo ng arkipelago ay pinaghihiwa-hiwalay sa isa't isa at sa punong-lupain ng Canada sa pamamagitan ng mga serye ng mga daanang-tubig ng Artiko na nakikilala bilang mga Hilaga-Kanlurang mga Lagusan o Hilaga't Kanluraning mga Daanan.[3]

Hinahanap ng mga manggagalugad o mga eksplorador ang Hilaga-Kanlurang Lagusan upang maging isang posibleng ruta ng kalakalan. Una itong nalibot ni Roald Amundsen noong 1903 hanggang 1906. Bago sumapit ang 2009, ang hindi naging maaari ang regulat na paglalayag ng barko rito dahil sa malalaking tipak ng mga yelo na umiiral sa loob ng karamihan sa mga araw ng isang taon, subalit nabawasan ang mga tipak ng yelo dahil sa pagbabago ng klima, na naging sanhi ng kabawasang ito sa Artiko ng pagiging mas nalilibot ng mga daanang-tubig.[4][5][5][6][7] Subalit ang pagkakaroon ng pag-aangkin sa soberanya sa mga katubigan ng rehiyon ay maaaring makapagpahirap at makapagpasalimuot ng mga pagbabarko rito sa hinaharap. Itinuturing ng Pamahalaan ng Canada ang mga Lagusang Hilaga-Kanluran o Daanang Hilaga-Kanluran bilang bahagi ng mga Katubigang Panloob ng Canada,[8] ngunit pinananatili ng Estados Unidos at ng sari-saring mga bansang Europeo na ang mga ito ay isang pandaigdigang kipot o lagusang transito, na nagpapahintulot ng malaya at hindi mahahadlangang daanan.[9][10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Northwest passage". Merriam-Webster Online Dictionary.
  2. "The Northwest Passage Thawed". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-28. Nakuha noong 2010-11-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. IHO Codes for Oceans & Seas, and Other Code Systems: IHO 23-3rd: Limits of Oceans and Seas, Special Publication 23 (ika-ika-3 (na) edisyon). International Hydrographic Organization. 1953. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-07-03. Nakuha noong 2010-11-17.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Satellites witness lowest Arctic ice coverage in history". Nakuha noong 2007-09-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Warming 'opens Northwest Passage'". BBC News. Setyembre 14, 2007. Nakuha noong 2007-09-14.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. BBC News "Plain Sailing on the Northwest Passage"
  7. Keating, Joshua E. (Disyembre 2009). "The Top 10 Stories You Missed in 2009: A few ways the world changed while you weren't looking". Foreign Policy.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "TP 14202 E Interpretation". Transport Canada.
  9. "The Northwest Passage and Climate Change from the Library of Parliament—Canadian Arctic Sovereignty". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-22. Nakuha noong 2010-11-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Naval Operations in an ice-free Arctic" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2008-06-24. Nakuha noong 2010-11-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)