Pumunta sa nilalaman

Francisco Dagohoy

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dagohoy)
Francisco Dagohoy
Kapanganakan1724
  • (Bohol, Gitnang Kabisayaan, Pilipinas)
Kamatayan1800
MamamayanPilipinas

Si Francisco Dagohoy ay isang cabeza de barangay at namuno sa pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas.[1]

Unang yugto ng buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Francisco Dagohoy ay ipinanganak bilang Francisco Sendrijas sa Inabangan, Bohol.[2] Mayroon siyang dalawang kapatid.[2] Sa kanyang paglaki ay naging cabeza de barangay siya ng kanyang bayan.[2]

Ang pangalang "Dagohoy" ay nagmula sa pinaikling “Dagon sa huyuhoy” o isang anting-anting ("dagon" sa Cebuano) na kanyang suot na pinaniniwalaan ng mga tao na nagbibigay sa kanya ng alindog na tulad ng isang banayad na hangin o “hoyohoy”.[2][3]

Paghihimagsik ni Dagohoy

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimula ang pag-aklas ni Dagohoy noong tumanggi si Padre Gaspar Morales, isang Heswitang pari, na bigyan ng isang Kristiyanong libing ang kapatid ni Francisco na si Sagarino na namatay habang sinusunod ang utos ni Padre Morales na dakipin ang isang taksil na indio.[1][4]

Tumagal ang himagsikan ng walongpu at limang (85) taon na nagsimula noong taong 1744.[4] Ipinagpatuloy pa rin ng mga tagasunod ni Francisco Dagohoy ang pakikipaglaban bagama't posibleng namatay na si Dagohoy bago ang katapusan ng rebolusyon noong Agosto 31, 1829.[4]

Walang katiyakan kung kailan at paano namatay si Francisco Dagohoy.[2] Maaaring pumanaw siya dahil sa sakit o katandaan bago ang taong 1829.[4]

Tanda ng kabayanihan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1956 ay itinatag at ipinangalan kay Francisco Dagohoy ang bayan ng Dagohoy sa lalawigan ng Bohol.[2]

Idineklara ang Hulyo 4 bilang "Francisco Dagohoy Day" sa bisa ng Republic Act. No. 11444 upang parangalan si Francisco Dagohoy.[1][5]

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga labi ng isang bayani, ni Francisco Dagohoy, ay ipapakita sa Dagohoy History Museum sa Danao, Bohol.[6]

Itinayo ang isang monumento para kay Francisco Dagohoy sa Danao, Bohol.[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Parrocha, Azer (Setyembre 26, 2019). "Duterte declares July 4 as Francisco Dagohoy Day". Philippine News Agency. Republic of the Philippines. Nakuha noong Disyembre 20, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "Dagohoy, Francisco". CulturEd: Philippine Cultural Education Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Francisco Dagohoy: A Slice of History and Myth". www.bohol-philippines.com. Nakuha noong 2023-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Palafox, Quennie Ann J. (Setyembre 6, 2012). "The Vision of Francisco Dagohoy". National Historical Commission of the Philippines. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 3, 2021. Nakuha noong Disyembre 20, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Republic Act No. 11444". Official Gazette. Republic of the Philippines. Agosto 28, 2019. Nakuha noong Disyembre 20, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  6. Iglesias, Iza (2023-11-12). "Bones of Francisco Dagohoy to be exhibited at Dagohoy Museum". The Manila Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-12-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Francisco Dagohoy monument in Danao among 21 landmarks to be lighted up later for the 500th Anniversary of the Victory of Mactan countdown". BOHOL ISLAND NEWS (sa wikang Ingles). 2019-12-14. Nakuha noong 2023-12-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)