Dalangat
Ang dalangat (Ingles: black-finned slipmouth o ponyfish) ay isang uri ng isdang may pagkakahawig sa sapsap.[1] Ito ay makikilala bilang isang pahaba at kompreso na siksik ang katawan, malalaking mata, isang maliit, lubhang nakausli na bibig, at mahabang palikpik sa likod at anal na sumasaklaw sa hindi bababa sa kalahati ng mga profile ng dorsal at ventral.
Mga Katangian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Dalangat | |
---|---|
Splendid ponyfish, Leiognathus splendens | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | Leiognathidae
|
Genera | |
Ang Dalagnat ay mailalarawan bilang; maliit na katawan, hugis na oblong, compressed na katawan at malaking mata. Madali itong makilala dahil sa bland at pilak nitong kulay. Hubad ang pisngi nito, halos buong kaliskis ang dibdib, kalahating bilog na hubad na bahagi sa batok. Ang kilalang "kilay" ay nakausli sa mga mata. Ang pangalawang spines ng dorsal at anal fins ay mahina. Ang pagkakaroon ng mas maputlang dark blotch sa dorsal fin. Isang Eubleekeria splendens complex. Mayroon ding isang pares ng lateral elevated bony ridges sa tuktok ng ulo nito sa pagitan ng mga mata. At ang Dalagnat ay mayroon ding maliit at mataas na protrusible na bibig, mahabang dorsal at anal fins. Ang parteng ito ay mayroong mekanismo upang pangasain ang gulugod nito. May roon din itong pangdipensang mekanismo, na kapag ito ay hinawakan o mayroong lumapit sa kaniyang kaliskis ay makakapaggawa ito ng soapy mucus. Nagtataglay din sila ng lubos na pinagsama-samang light organ sa kanilang lalamunan na naglalaman ng symbiotic bioluminescent bacteria na nagpapalabas ng liwanag sa ilalim ng hayop. Karamihan sa mga hayop ay nagtataglay ng isa lamag na klase ng bacteria na tinaguriang, Photobacterium leiognathi, ngunit sa dalawang uri ng Dalagnat, nagtataglay ito ng Photopectoralis panayensis and Photopectoralis bindus, kung saan kasama ang Photobacterium mandapamensis rito.
Ang mga Dagnat ay naninirahan sa bandang karagatan ng Indio-West at Mediterranean. Karamihan ay tubig-alat na klase ng isda ngunit may iilang uri ay sa naninirahan sa karaniwang tubig. Sa ilalim ng shallow coastal water kung saan ito ay karaniwang matatagpuan. Dumidipende sila sa pagkaing copepods at phytoplankton, habang ang malalaking isda ay kumakain ng benthic invertibrates. Sa ganitog rehiyon(Indo-Australian) at ganitong klase ng Leigonathus equuala ay ang pamantayang laki ay 13 cm ngunit lumalaki ito o humahaba ng hanggang 25 cm.
Taximony
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Leiognathidae ay inuri sa loob ng suborder na Percoidei ng ika-5 edisyon ng Fishes of the World, ngunit sila ay inilagay sa isang hindi pinangalanang clade na nasa labas ng superfamily na Percoidea. Ang clade na ito ay naglalaman ng 7 pamilya na lumilitaw na may ilang kaugnayan sa Acanthuroidei, Monodactylidae, at Priacanthidae. Ang iba pang mga awtoridad ay pinabilis ang pamilya sa ayos na Chaetodontiformes kasama ang pamilyang Chaetodontiidae.
Timeline ng genera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
- ↑ Sepkoski, Jack (2002). "A compendium of fossil marine animal genera". Bulletins of American Paleontology. 364: p.560. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-23. Nakuha noong 2008-01-08.
{{cite journal}}
:|pages=
has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)