Pumunta sa nilalaman

Kurba ng pangangailangan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Demand Curve)
Isang halimbawa ng isang lumilipat na kurba ng pangangailangan. Ang paglipat mula D1 hanggang D2 ay nangangahulagang ang pagtaas ng pangangailangan kasama ang mga ibinunga para sa ibang mga nagbabago.

Sa ekonomika, ang kilo ng kahingian, kurba ng pangangailangan o demand curve ay ang talangguhit na nagpapakita ng relasyon ng presyo ng bagay sa dami nito na gustong at kayang bilhin ng tao sa presyong ito. Ito ay grapikong representasyon ng takdang pangangailangan. Ang pangkalahatang demand curve ay nanggagaling sa mga indibiduwal na kurba ng pangangailangan ng bawat namimili: ang bawat pangangailangan sa bawat presyo ay idinadagdag sa isa’t-isa.

Ang kurba ng pangangailangan ay ginagamit para itantiya ang mga pag-uugali ng tao sa kompetisyon na merkado, at ito ay sinasama sa kurba ng panustos para itantiya ang pagkapantay ng presyo (ang presyo kung saan ang dami ng binebenta ng isang bagay ay pareho sa dami ng binibili ng bagay na iyon, na tinatawag din na ang clearing price ng merkado) at ang pagkapantay ng dami (ang dami ng bagay o serbisyo na pinoprodus at binibili kung saan walang sobra o kulang) ng isang merkado. Sa monopolistikong merkaado, ang kurba ng pangangailangan na tinutuos ng monoplista ay ang kurba ng pangangailangan ng merkado lamang.

Sa karaniwang pagguhit ng demand curve, ang presyo ay nasa aksis na patindig (y) at ang dami ay nasa aksis na pahiga (x). Ang punsyon na ginuguhit ay ang kabaligtrang punsyon ng pangangailangan.