Pumunta sa nilalaman

Prostodontiks

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Dental prosthetic)

Ang Prostodontiks (Ingles: Prosthodontics) o Prostodontolohiya (Ingles: Prosthodontology), kilala rin bilang prostetiks na dental, prostetiks na pangngipin o dentistriyang prostetiko, ay isa sa siyam na espesyalidad na pangngipin na kinikilala ng Amerikanong Dental na Asosasyon, Royal na Kolehiyo ng mga Dentista ng Canada, at Royal na Awstralasyanong Kolehiyo ng mga Siruhanong Dental. Ang prostodontiks ay ang espesyalidad na pangngipin na tumutukoy sa diyagnosis, plano ng paggagamot, rehabilitasyon at pagpapanatili ng tungkuling oral o pangbibig, ginhawa, kaanyuan at kalusugan ng mga pasyente na may mga kundisyon o kalagayang klinikal na may kaugnayan sa nawawala o kulang na mga ngipin at/o pambibig at maksilopasyal (pangbuto sa pang-itaas na panga at pangmukha) na mga tisyu na ginagamit ang biyokompatible (kasundong pangbiyolohiya) na mga kapalit.[1] Palaging inaantas o inihahanay ng Forbes ang mga prostodontista bilang nasa ika-anim at ika-pitong puwesto sa loob ng mga hanapbuhay na pinakakompetitibo at may pinakamataas na sahod.[2][3][4]

Ayon sa Amerikanong Kolehiyo ng mga Prostodontista, ang prostodontista ay isang dentistang:[5]

  1. Espesyalista sa estetikong (kosmetiko) restorasyon at pagpapalit ng mga ngipin.
  2. Tumatanggap ng tatlo hanggang apat na mga taon ng karagdagang pagsasanay pagkaraan ng pag-aaral ng dentistriya.
  3. Nagbabalik ng optimo o pinakamaiging anyo at tungkulin ng ngiti. Ang lahat ng pagpaplano ng pagbibigay ng lunas at restorasyon ng mga implanta, kapansanan ng hugpungang temporomandibular, at rehabilitasyon ng oklusyon (pagsasara) na may prostesis ay nakapaloob sa larangan ng prostodontiks.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ADA.org: Dentistry Definitions[patay na link]
  2. Kneale, Klaus. "In Pictures: America's Best-Paying Jobs - Forbes.com". Forbes.
  3. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-02-19. Nakuha noong 2011-12-03.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Weiss, Tara. "By The Numbers: America's Most Competitive Jobs". Forbes.
  5. http://www.prosthodontics.org