Pumunta sa nilalaman

Depresiyasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Depresiasyon)

Ang Depresiasyon (Ingles: Depreciation) ay tumutukoy sa dalawang magkaiba ngunit magkaugnay na mga konsepto:

  1. ang pagbabawas ng halaga sa mga asset(depresiasyon ng halagang makatarungan)
  2. ang paglalaan ng gastos ng mga asset sa mga yugto ng panahon kung saan ang mga asset ay ginagamit(depresiasyon na may prinsipyong pagtutugma)

Ang una ay umaapekto sa mga halaga ng negosyo at entitad. Ang huli ay umaapekto sa net na sahod. Sa pangkalahatan, ang gastos ay inilalaan bilang gastos ng depresiasyon sa mga yugto ng panahon kung saan ang asset ay inaasahang gagamitin. Ang gayong gastos ay kinikilala ng mga negosyo para sa pag-uulat pinansiyal at mga layuning pang-buwis. Ang mga paraan ng pagkukwenta ng depresiasyon ay maaaring mag-iba ayon sa asset para sa parehong negosyo. Ang mga paraan at buhay ay maaaring tukuyin sa mga patakaran ng akawnting o buwis sa isang bansa. Ang ilang mga pamantayang paraan ng pagkukwenta ng gastos ng depresiasyon ay maaaring gamitin kabilang ang nakapirmeng persentahe, tuwid na linya at bumabagsak na mga paraan ng balanse. Ang depresiasyon ay pangkalahatang nagsisimula kapag ang asset ay inilagay sa serbisyo. Halimbawa, ang gastos ng depresiasyon ng 100 kada tao para sa limang tao ay maaaring makilala para sa asset nagkakagastos na 500.