Pumunta sa nilalaman

Klasismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Diskriminasyon sa kaurian)

Ang klasismo ay isang pagkikiling o pagtatangi na batay sa kauriang panlipunan kabilang ang pansariling ugali, kilos, kaparaanan ng mga patakaran, at mga pagsasanay na ginawa upang makinabang ang mataas na uri sa kapinsalaan ng mababang uri o ang kabaligtaran nito.[1] Tinatawag din itong diskriminasyon ng klase o pagtatangi ng uri. Tumutukoy ang kauriang panlipunan sa mga pagpapangkat ng mga indibiduwal sa isang herarkiya batay sa yaman, kita, edukasyon, trabaho, at mga kasama sa lipunan.

Ipinapakita ng mga pag-aaral ang interkoneksyon sa pagitan ng diskriminasyon ng uri at rasismo at seksismo.[2]

Mayroon nang mga kayarian ng kaurian sa isang pinapayak na anyo sa mga lipunan bago ang agrikultura, subalit nabago ito sa isang mas komplikado at naitatag na istraktura kasunod ng pagkakatatag ng permanenteng mga kabihasnan na nakadepende sa agrikultura na may sobrang pagkain.[3]

Nagsimulang nakasanayan ang klasismo noong mga ika-18 dantaon.[4] Naisagawa ang segregasyon sa uri sa pamamagitan ng naoobserbang katangian (tulad ng lahi o propesyon) na inukol sa iba't ibang katayuan at pribilehiyo. Maaring mapabilang sa pyudal na pag-uuri ang mangangalakal, pamusabos o alipin, kampesino, mandirigma, pari at maharlikang mga uri. Ang mga pagraranggo ay malayo mula sa inbaryante sa mga uring mangangalakal sa Europa na tinaasan ang ranggo ng kampesinado, habang tahasang mas mababa ang mga mangangalakal sa mga kampesino noong panahon ng Shogunatong Tokugawa sa Hapon. Mahirap matukoy ang makabagong klasismo, na may hindi gaanong matibay na mga istrakturang kaurian. Sa isang artikulo ng asosaysong pampropesyon, sinabi ng sikologong si Thomas Fuller-Rowell, "Experiences of [class] discrimination are often subtle rather than blatant, and the exact reason for unfair treatment is often not clear to the victim."[5] (Ang karanasan ng diskriminasyon ng [uri] ay kadalasang banayad sa halip na halatang-halata, at ang tumpak na dahilan para sa di patas na pagtrato ay kadalasang hindi maliwanag sa biktima.)

Mga interseksyon sa ibang sistema ng opresyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Malawak na naiuulat ang sa Estados Unidos ang hindi pagkapantay-pantay sa sosyoekonomiko, lahi/etniko at kasarian sa akademikong tagumpay, subalit kung papaano ang tatlong aksis ng hindi pagkapantay-pantay na ito ay nagkakaroon ng interseksyon na matukoy ang akademiko at di-akademikong kinalabasan sa mga batang nag-aaral ay hindi ganoong nauunawaan.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kadi, Joanna (1996). Thinking Class (sa wikang Ingles). U.S.: South End Press. ISBN 0-89608-548-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Sexism and Racism Linked to Personality". Live Science (sa wikang Ingles). 9 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Peter N. Stearns (Narrator). A Brief History of the World Course No. 8080 [Audio CD] (sa wikang Ingles). The Teaching Company. ASIN B000W595CC.
  4. Young, Serinity; Katie Cannon (1999). Serinity Young (pat.). Encyclopedia of Women and World Religion (Print) (sa wikang Ingles). Macmillan. p. 181. ISBN 0028648609.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Social-Class Discrimination Contributes to Poorer Health". Association of Psychological Science (sa wikang Ingles). 18 Hunyo 2012. Nakuha noong 10 Disyembre 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Bécares, Laia; Priest, Naomi (27 Oktubre 2015). "Understanding the Influence of Race/Ethnicity, Gender, and Class on Inequalities in Academic and Non-Academic Outcomes among Eighth-Grade Students: Findings from an Intersectionality Approach". PLOS ONE (sa wikang Ingles). 10 (10): e0141363. Bibcode:2015PLoSO..1041363B. doi:10.1371/journal.pone.0141363. ISSN 1932-6203. PMC 4624767. PMID 26505623.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)