Pumunta sa nilalaman

Zorro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Don Diego de la Vega)
Zorro
Unang paglabas ni Zorro
The Curse of Capistrano
(Ang Sumpa ni Capistrano)
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaZorro Productions, Inc.
Unang paglabasAll-Story Weekly (1919)
TagapaglikhaJohnston McCulley
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhan- Don Diego (de la) Vega
(orihinal, magkakaibang kahalili sa iba't ibang mga bersyon)
KakayahanSuperyor na atleta, kabalyero, eskrimador, tirador, at lumalaban na walang armas

Si Zorro (orihinal na tinatawag bilang Señor Zorro) ay isang kathang-isip na tauhan at nakamaskara na bayani na nilikha ni Johnston McCulley noong 1919.[1] Natampok si Zorro sa ilang mga komiks,[2] aklat, pelikula, serye sa telebisyon at ibang midya.

Ginagamit ni Zorro (Kastila para sa soro) ang sikretong pagkakilanlang pangalan na Don Diego de la Vega (orihinal Don Diego Vega), isang maharlika at eskrimador na namuhay noong panahon ng kolonyal na Kastila sa Kalipornya. Dumaan sa mga pagbabago ang katauhan sa paglipas ng panahon, ngunit tipikal ang imahe ni Zorro na bandidong may itim na maskara na pinagtatanggol ang mga tao sa kanilang lupa laban sa mga malupit na mga opisyal at ibang kontrabida. Hindi lamang siya tuso na parang soro na mahirap hulihin ng mga awtoridad, ngunit hinihiya niya ang kanyang mga kalaban upang bigyan kasiyahan ang publiko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Beale, Lewis (28 Hunyo 2005). "Zorro still makes his mark". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 18, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hit Comics #55 Comic Book Plus (sa Ingles)