Alejandra Kamiya
Alejandra Kamiya | |
---|---|
Kapanganakan | 1966 Buenos Aires, Argentina |
Ahente | Indent Literary Agency sa ngalan ng Eterna Cadencia |
Si Alejandra Kamiya (ipinanganak noong 1966) ay isang Arhentinang manunulat. Ang kanyang mga gawa ay kinilala sa Amerikang Latino at Espanya, kung saan siya ay nag-lathala ng mga sulating katha at 'di-katha.[1][2]
Maagang Buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Kamiya sa Buenos Aires, Argentina, sa amang Hapon at inang Argentino.[3] Bago siya matutong magbasa, ipinakilala siya sa literatura sa pamamagitan ng kanyang mga magulang, na nagbabasa ng mga kwentong pambata sa kanya. Naaalala niya na noong bata siya ay nakikinig sa mga tradisyunal na kwentong Hapon at mga kwentong Ruso.[4]
Si Kamiya ay nag-aral ng kursong sikolohiya.[5] Ang unang pagkakataon na sumulat si Kamiya ay para sa isang literary contest sa supermarket kung saan ang hamon ay lumikha ng isang maikling kuwento na kasya sa isang pahina. Sumali siya at nanalo. Sa edad na 41, dito niya naisip na maari niyang tahakin ng seryoso ang pasusulat.[6][7]
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Kamiya ay nakapag-lathala ng ilang mga akda. Sa non-fiction, Los que vienen y los que se van: historias de inmigrantes y emigrantes en la Argentina (2008);[1] pati na rin ang mga koleksyon ng maikling kwento na Los restos del secreto y otros cuentos (2012),[8] Los árboles caídos también son el bosque (2015),[9] El sol mueve la sombra de las cosas quietas (2019),[10] at La paciencia del agua sobre cada piedra (2023).[11] Ang kanyang mga kwento ay itinampok sa mga antolohiya sa Latin America at Espanya. Bukod dito, mayroon siyang kontribusyon sa National Geographic.[2]
Nakatanggap si Kamiya ng ilang mga gantimpalang pampanitikan, kabilang ang Universidad Catolica Argentina-SUTERH (2007), Feria del Libro de Buenos Aires (2008), Fondo Nacional de las Artes 50 Aniversario (Argentina, 2010), Max Aub (Espanya, 2010), Horacio Quiroga (Uruguay, 2012), Fundación Victoria Ocampo (2012), at Unicaja (Espanya, 2014).[2][12]
Mga Impluwensya sa Literatura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binigyan diin ni Kamiya sa isang panayam na ang bawat manunulat ay unang isang mambabasa. Para sa kanya, ang pagbabasa ay hindi isang obligasyon kundi ginagawa para sa kasiyahan at pagmamahal sa literatura.[13] Inilarawan niya ang kanyang bahay na puno ng mga aklat, nakasalansan sa isang iskulptural na paraan na parang may sariling buhay. Para kay Kamiya, ang mga aklat ay isang kolektibo, kung saan siya ay nagiging bagahi ng isang mas malaking bagay o kabuuan.[14]
Binaggit ni Kamiya ang mga manunulat na naging impluwensya sa kanyang pagsusulat. Si Jorge Luis Borges ang kanyang pangunahing impluwensya, kasama sina Franz Kafka, Fernando Pessoa, Clarise Lispector, Ryūnosuke Akutagawa, at Felisberto Hernández. Kasama din ang mga makabagong manunulat tulad ni Annie Ernaux.[15]
Nagsanay si Kamiya sa mga literaryong workshop nina Inés Fernández Moreno at Abelardo Castillo.[16] Ayon sa kanya, habang si Inés Fernández Moreno ay malikhain, relax, at may maternal na ugali, si Abelardo Castilllo naman ay strikto at disiplinado.[17] Sinabi ni Kamiya na ang workshop ni Castillo ay nagbigay-diin sa pangangailangan ng panghabang-buhay na pangako sa literatura.[18] Inilarawan ni Kamiya ang kanyang karanasan sa workshop ni Castillo na parang pagsasanay.[19]
Nakikita ni Kamiya ang kanyang sarili bilang isang kwentista na nakaugat sa tradisyong Argentino, habang mayroon din siyang koneksyon sa tradisyong Hapon. Nararamdaman niya na ang kanyang mga karanasan bilang Argentino ay humubog sa kanya, ngunit pinahahalagahan din niya ang kulturang Hapon na nagbibigay-inspirasyon sa kanyang mga akda.[19]
Pagtanggap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa direktor ng Letras del Ente Cultural na si Propesor Liliana Massata, malalim ang literatura ni Kamiya. "Ang kanyang mga salita at paraan ng pagpapahayag ay may kaluluwa na nakaka-apekto at nakakagambala; at ang mga kuwento niya ay nag-aanyaya sa mga mambabasa na sundan ang mga ito."[20]
Ang mga aklat ni Kamiya ay hindi masyadong binebenta sa pamamagitan ng marketing, kundi sa pamamagitan ng rekomendasyon, pagregalo, at "word of mouth."[21][3]
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Los que vienen y los que se van: historias de inmigrantes y emigrantes en la Argentina (2008)[1]
- Los restos del secreto y otros cuentos (2012)[8]
- Los árboles caídos también son del bosque (2015)[9] [22]
- El sol mueve la sombra de las cosas quietas (2019)[10] [23]
- La paciencia del agua sobre cada piedra (2023)[11] [24]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Alejandra Kamiya". Indent Literary Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 "Translation Tuesday: "Rice" by Alejandra Kamiya - Asymptote Blog" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Pomeraniec, Por Hinde (2023-07-30). "Alejandra Kamiya: la autora de los títulos largos y los cuentos inolvidables". infobae (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Página|12 (2024-05-02). "Alejandra Kamiya, la escritora de las emociones | ENTREVISTA". PAGINA12 (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Alejandra Kamiya". Gris Tormenta (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2024-12-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ c1391506 (2023-08-07). "Alejandra Kamiya: Escribir como rezar". Be Cult (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2024-12-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Friera, Silvina (2024-05-26). "Alejandra Kamiya: "Descubro muchas cosas después de la escritura" | Presentará su trilogía el próximo miércoles en el Malba". PAGINA12 (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2024-12-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 "Los restos del secreto y otros cuentos". Goodreads (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1 "Los árboles caídos también son el bosque". Goodreads (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 "El sol mueve la sombra de las cosas quietas". Goodreads (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 11.0 11.1 "La paciencia del agua sobre cada piedra". Goodreads (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Fundación FILBA". www.filba.org.ar. Nakuha noong 2024-12-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Alejandra Kamiya: Hacer del silencio una intimidad". Revista Ruda (sa wikang Kastila). 2023-11-23. Nakuha noong 2024-12-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Los libros de mi vida: Alejandra Kamiya - Escaramuza - Libros y café". escaramuza.com.uy (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2024-12-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Alejandra Kamiya: ecos japoneses en una escritora argentina". www.ambito.com. Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Alejandra Kamiya en Rosario: una escritora de cuentos cortos, con títulos largos y poéticos". La Capital. Nakuha noong 2024-12-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ALEJANDRA KAMIYA: HAY UNA SOBREVALORACIÓN A SER ESCRITOR". provinciaradio.com.ar. Nakuha noong 2024-12-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gaceta, La. "Alejandra Kamiya: El daño que se puede hacer a la cultura es casi imposible de reparar". www.lagaceta.com.ar (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 19.0 19.1 "Con la escritora argentina Alejandra Kamiya: El amor es acto o no es - Semanario Brecha". brecha.com.uy. Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tucumán, Ente Cultural (2024-05-14). "La escritora Alejandra Kamiya dará el puntapié inicial en el Mayo de las Letras". ENTE CULTURAL DE TUCUMÁN (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2024-12-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vázquez, Cristian (2023-08-24). "La paciencia de Alejandra Kamiya para cada cuento". Letras Libres (sa wikang Kastila). Nakuha noong 2024-12-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Los árboles caídos también son el bosque". Indent Literary Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "El sol mueve la sombra de las cosas quietas". Indent Literary Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "La paciencia del agua sobre cada piedra". Indent Literary Agency (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-11-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)