Ebanghelyo ni Maria
Ang Ebanghelyo ni Maria ay isang aklat na apokripal na natuklasan noong 1896 sa isang ikalimang siglong CE na codex papayrus. Ang codex Papyrus Berolinensis 8502 ay binili sa Cairo ng Alemang skolar na si Karl Reinhardt. Ito ay pinaniniwalaang isinulat noong mga 120 CE hanggang 180 CE. Ang mga skolar ay hindi magkakaayon kung sinong Maria sa Bagong Tipan ang sentral na karakter sa ebanghelyo ni Maria. Gayunpaman, ang ilang mga skolar ay naniniwala na ito ay tumutukoy kay Maria Magdalena.[1]
Nilalaman
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagbubukas ng salaysay, ang tagapagligtas ay nakipag-usap sa kanyang mga alagada na tumutugon sa kanilang mga katanungan tungkol sa kalikasan ng materya at ang kalikasan ng kasalanan. Sa wakas ng talakayan, ang tagapagligtas ay lumisan na nag-iiwan sa mga alagada ng nasiphayo at nabalisa. Ayon sa kuwento, si Maria ay nagsalita ng mga salita ng panghihikayat at kaginhwaan. Pagkatapos ay hiniling ni Pedro kay Maria na isalo sa kanila ang anumang espesyal na katuruan na kanyang natanggap mula sa tagapagaligtas,
"Sinabi ni Pedro kay Maria, kapatid, alam naming minahal ka ng tagapagligtas ng higit kesa sa iba pang mga babae. Sabihin mo sa amin ang mga salita ng tagapagligtas na iyong naalala na alam mo (ngunit) hindi namin alam o hindi namin narinig ang mga ito."[2]
"Sumagot si Maria kay Pedro, Ang nakatago mula sa iyo ay ihahayag ko sa iyo. Sinabi ni Maria, nakita ko ang Panginoon sa isang pangitain at sinabi ko sa kanya, Panginoon, nakita kita ngayong araw sa isang pangitain. Siya ay sumagot at sinabi sa akin: Mapalad ka na hindi ka nag-alangan sa pagkita sa akin. Sapagkat kung saan ang isip, ay mayroong kayamanan. Sinabi ko sa kanya, Kaya ngayon Panginoon, ang isa bang tao na nakakakita ng isang pangitain ay nakikita ito <sa pamamagitan> ng kaluluwa <o> espirito?" Ang Tagapagligtas ay sumagot at nagsabing, Hindi siya tumitingin sa pamamagitan ng kaluluwa o sa pamamagitan ng espirito, ngunit ang isipan [ay] sa pagitan ng dalawa-na nakakakita ng pangitain...[3]
Sa usapan, itinuturo ng tagapagligtas na ang panloob na sarili ay binubuo ng kaluluwa, espirito/isipan at isang ikatlong isipan na nasa pagitan ng dalawa na nakakakita ng pangitain. Pagkatapos ay napatid ang teksto at ang sumunod na apat na mga pahina ay nawawala. Nang magpatuloy ang salaysay, hindi na inaalala ni Maria ang kanyang pakikipagtalakayan sa tagapagligtas. Sa halip ay sinasalaysay ang pahayag na ibinigay sa kanya sa kanyang pangitain. Ang pahayag ay naglalarawan ng pag-akyat ng isang kaluluwa na habang ito ay dumadaan tungo sa huling himlayan ay nakikilahok sa isang usapan sa apat na mga kapangyarihan na nagtatangkang pumigil dito. Ang kanyang pangitan ay hindi inaprobahan ng ibang mga alagad.
"Ngunit sumagot si Andres at sinabi sa mga kapatid, Sabihin ninyo ang nasa isip ninyo ukol sa kanyang sinabi. Sapagkat hindi ako naniniwala na sinabi ito ng tagapagligtas. Sapagkat tiyak na ang mga katuruang ito ay ibang mga ideya".[4]
"Sinalungat rin siya ni Pedro tungkol sa mga bagay na ito at tinanong sila tungkol sa tagapagligtas, Kung gayon ay nagsalita ba siya ng sikreto sa babae sa halip na sa atin at hindi hayagan? Tayo ba ay tatalikod at lahat ay makikinig sa kanya? Mas pinili niya ba siya sa atin?"[5]
Pagkatapos ay tumangis si Maria at sinabi kay Pedro:
"Kapatid kong Pedro, ano ang nasa isip mo? Sa tingin mo ba ay inimbento ko ito sa sarili ko sa aking puso, o ako ay nagsisinungaling tungkol sa tagapagligtas?"
Gayunpaman, pinatanggol ni Levi sa Maria at sinugpo ang pag-atake ni Pedro sa kanya:
"Sumagot si Levi at sinabi kay Pedro, Pedro palaging mainit ang iyong ulo. Ngayon ay nakikita ko na nakikipagtunggali ka laban sa babaeng ito tulad ng mga kaaway. Ngunit kung ginawa siya ng Tagapagligtas na karapat-dapat, sino ka upang tumakwil sa kanya? Tiyak na siya ay mahusay na kilala ng Tagapagligtas. Kaya minahal niya siya ng higit sa atin. Sa halip ay dapat mahiya tayo at isuot ang sakdal na tao at kamitin siya para sa ating mga sarili gaya ng kanyang iniutos at ipangaral ang ebanghelyo na hindi naglalatag ng ibang patakaran o ibang batas ng higit sa sinabi ng Tagapagligtas."
Sa teksto, lumilitaw na sumama ang loob ni Pedro sa pagkakatuklas na pinili ni Hesus si Maria ng higit sa iba pang mga alagad upang pakahulugan ang mga katuruan ni Hesus.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Karen L. King, Why All the Controversy? Mary in the Gospel of Mary. “Which Mary? The Marys of Early Christian Tradition” F. Stanley Jones, ed. Brill, 2003, p. 74.
- ↑ The Gospel of Philip - The Nag Hammadi Library
- ↑ The Gospel of Mary
- ↑ Mary 9:2
- ↑ Mary 9:4