Pumunta sa nilalaman

Pamamahalang pang-inhenyeriya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Engineering management)

Ang pamamahalang pang-inhenyeriya o engineering management ay isang espesyal na uri ng pamamahala na nakatuon sa pagpapatupad ng mga prinsipyo ng Inhenyeriya sa gawaing pangkalakalan. Ang karerang ito ay nagbubuklod sa teknolohikal na paraan ng paglutas ng problema ng mga inhenyero at ang kakayahang mag-organisa, mamuno at magplano ng isang tagapamahala upang masubaybayan ang mga masasalimuot na institusyon mula sa pagtataguyod hanggang sa pagtapos ng mga ito. Ang isang nagtapos ng Master of Science in Engineering Management (MSEM) ay minsang naihahambing sa isang nagtapos ng Master of Business Administration (MBA) para sa mga propesyunal na naghahanap ng mas mataas na antas upang maging kuwalipikado ng pamamahalang inhinyeriya.

Ang ilang sakop nito ay ang paglikha ng bagong produkto, pagmamanupaktura, pagtatayo, inhenyeriyang pangdesenyo, inhenyeriyang pang-industriya, teknolohiya, produksyon, o anumang karera na may kawani na gumaganap ng katungkulang pang-inhinyero.

Ang mga matagumpay na taga-pamahalang inhenyero ay karaniwan nang nangangailangan ng pagsasanay at karanasan sa negosyo at inhenyeriya. Ang mga namamahalang medyo mahina sa aspektong teknikal ay karaniwan nang hindi sinusuportahan ng kanilang pangkat teknikal, at ang mga tagapamahala naman na di-komersiyal ay karaniwan nang kulang ang kakayahang komersiyal upang maging matagumpay sa isang ekonomiyang pangmerkado. Sa kalawakan, ang mga tagapamahalang inhinyero ay gumagabay sa mga inhinyerong nagtatrabaho gamit ang hindi pangnegosyanteng pag-iisip, kung kaya't kailangan nila ng kakayahan na makipagkapuwa-tao, upang makapaggabay, makapagturo, at makahikayat sa mga teknikal na propesyonal. Ang mga inhenyerong sumanib sa mga pagawaan ay minsan nagiging tagapamahala na rin sa katagalan. Kailangan nilang matutong mamahala pagdating nila sa trabaho, ngunit ito ay karaniwan nang hindi isang epektibong paraan upang linangin ang kanilang kakayahang mamahala.