Pumunta sa nilalaman

Posporo (mitolohiya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Eosporo (diyos))

Si Posporo (Sinaunang Griyego: Φωσφόρος) sa Mitolohiyang Griyego ang Diyos ng planetang Venus na paglitaw nito bilang Tala ng Umaga. Siya anak na lalake ng Diyosang si Eos at Diyos na si Astraios. Ang kanyang kalahating kapatid sa ina ay si Hespero na Diyos ng planetang Venus bilang Tala ng Gabi. Isa siya sa mga Astra Planeti.

Sa pilosopiya ng wika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pilosopiya ng wika, ang pangungusap na "Si Hespero ay si Posporo" ay isang tanyag na pangungusap na nauugnay sa semantiko ng mga angkop na pangngalan. Ginamit ni Gottlob Frege ang mga katagang "ang tala ng gabi" (der Abendstern) at ang "tala ng Umaga" (der Morgenstern) upang ipakita ang pagkakaiba sa pagitan ng kahulugan at reperensiya. Ginamit ni Saul Kripke ang pangungusap na ito upang imungkahi na ang kaalaman ng isang bagay na kinakailangan (sa kasong ito ang katauhan ni Phosphoros at Hespero) ay maaaring matuklasan sa halip na malalaman nang a priori.

Ang kaugnay na salitang Latin ng Posporo ay Lucifer.