Eva Perón

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Eva Perón
Kapanganakan7 Mayo 1919[1]
  • (Junín Partido, Lalawigan ng Buenos Aires, Arhentina)
Kamatayan26 Hulyo 1952[1]
MamamayanArhentina
Trabahopolitiko, artista sa teatro, artista sa pelikula, trade unionist
AsawaJuan Perón (1945–1952)
Pirma

Si Eva María Duarte de Perón (7 Mayo 1919 – 26 Hulyo 1952) ay ang ikalawang asawa ng Pangulo ng Arhentina na si Juan Domingo Perón (1895–1974) at ang Unang Ginang ng Argentina mula 1946 hanggang nang siya'y pumanaw noong 1952. Tinawag din siya noon bilang Eva Peron, o kaya ay sa pangalang kastila na Evita na pag-sinalin sa Tagalog ay "Batang Eva".

Ipinanganak siya sa isang maliit na bayan sa Argentina noong 1919, at sa taong 15 ay narating ni Eva Duarte ang pambansang kabisera, ang Buenos Aires kung saan siya nagsikap bilang isang aktres sa pelikula, radyo at entablado. Nakilala ni Eva Si Colonel Juan Perón noong 1944 sa isang kaganapan sa San Juan, Argentina. Ang dalawa ay nagpakasal noong 1945. Nasali si Eva Peron sa politika ng Argentina noong 1946 pagkatapos lamang ng unang paghalal kay Juan Perón bilang pangulo ng Argentina. Sa paglipas ng anim na taon, si Eva Perón ay naging pinakamakapangyarihan sa Unyong Pangkalakalan ng mga Maka-Peron(Pro-Peronist trade unions). Hindi naglaon ay naitatag niya ang Eva Perón, at ang pinakamalaking partidong pampolitika sa bansa, ang Partidong Kababaihang Peronista.

Noong 1951, ipinakita ni Eva Perón na nais niyang payagan siya na tumakbo sa Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ng Argentina. Dahil dito ay nakatanggap siya ng maraming suporta mula sa masang maka-Peron o ang mga descaminados. Subalit, ang mga oposisyon na mula sa militar ng Argentina at mga maiimpluwensiyang tao, at dahil na rin sa kanyang humihinang kalusugan, ay napigil ang kandidatura ni Eva Perón.

Noong 1952, mga ilang araw bago ang kanyang pagpanaw, binigyan si Eva Perón ng opisyal na titulo na Pinunong Pangkaluluwa ng Bayan.[2][3][4] Sinasabi naman ng ibang mga dalubhasa na si Eva Perón ang naging pinakamakapangyarihan at pinakamahalagang babae sa kasaysayan ng kanyang bansa.[5]

Kabataan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Eva Duarte at her Unang Banal na komunyon ni Eva, 1926

Sa biograpiyang Evita: Ang Tunay na Buhay ni Eva Perón (Evita: The Real Life of Eva Perón), sinulat nila Marysa Navarro at Nicholas Fraser na si Eva Perón ay ipinanganak noong 7 Nobyembre 1919, sa Los Toldos, isang maliit na bayan sa Pampas, isang daan at kalahating milya mula sa kabisera ng Arhentina.

Sinasabi nila Fraser at Navarro na ang Katunayan ng Kapanganaka at Tala ng pagkakabinyag ni Eva Peron ay hindi nanatili, ngunit ang mga nagsasabing nakita nila iyon bago ito masira na ang unang pangalan na nakalagay sa katunayan ay Eva Maria at ang apelyido na nakatala ay Ibarguren.[6] Tomás de Elia and Juan Pablo Queiroz, editors of the photobiography Evita: An Intimate Portrait of Eva Perón, agree that Eva Perón was born in Los Toldos.[7]

Ang sariling autobiograpiya ni Eva Perón, na orihinal na inilathala noong 1952 sa Arhentina na pinamagatang La Razón de mi Vida (na sinundan din ng pagkakalathala nito sa mga bansang nagsasalita ng ingles sa pamagat na My Mission in Life at Evita by Evita), ay hindi naglalaman ng mga petsa, walang talasanggunian sa pinagdaanan noong kabataan, at hindi nagtala ng pook kung saan ipinanganak si Eva Perón pati kung ano ang ibinigay na pangalan noong siya ay isinilang.[8]

Lumaki si Eva Perón sa Junin. Ang kanyang mga magulang, sina Juan Duarte at Juana Ibarguren (na kadalasang tinatawag na Doña Juana), ay hindi kinasal. Si Duarte ay isang ranchero mula sa kalapit na Chivilcoy, at mayroon nang asawa at mag-anak. Sinasabi nila Fraser at Navarro na ang'Ikalawang kasal" na ginawa ni Duarte kay Ibarguren ay hindi pangkaraniwan sa rural na Arhentina at hindi kaugnay sa kasaysayan ng rehiyon.

Pagkamatay ng Ama[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1926, namatay si Juan Duarte sa isang aksidente sa kotse sa Chivilcoy. Dinaluhan ni Juana Ibarguren ang libing kasama ang kanyang limang anak. Dahil sa mga paniniwala noong mga unang bahagi ng ika-20 dantaon sa Argentina, ang presensiya ni Ibarguren at ng kanyang mga anak sa lamay ni Juan Duarte ay lumalabas na insulto. Si Ibarguren at ang kanyang mga anak ay walang karapatan dahil sila ay hindi legal na pamilya. Nang dumating ang pamilya ni Ibarguren sa lamay, nagkaroon ng isang marahas na pag-aaway sa pagitan ni Juana Ibarguren at sa legal na asawa ni Duarte, tungkol sa karapatan ni Ibarguren at ng kanyang mga anak na daluhan ang lamay.

Pinayagan lang makita ang katawan ni Duarte ng mga anak at ni Ibarguren nang makialam na ang kapatid na lalaki ng tunay na asawa ni Duarte, ang Alkalde ng Chivilcoy. Pagkatapos ng paglukuksa, hindi pinayagang sumama sa paglalakad ang pamilya ni Ibarguren upang ihatid sa huling hantungan si Duarte. At doon isinama sa paglalakad kasama ang ibang mga tao na sumusunod sa prusisyon ng legal na kinikilalang pamilya. [9]

Paglipat sa Buenos Aires[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. 1.0 1.1 http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb12124774g; hinango: 10 Oktubre 2015.
  2. A nation seeks salvation in Evita By Scotsman.com: "On 26 July, 1952, a hushed Argentina heard Eva Peron, the 'spiritual leader of the nation', had died, aged 33."
  3. Fraser, Nicholas. Navarro, Marysa. Evita: The Real Life of Eva Peron. W.W. Norton & Company, New York, London. 1980, 1996. Page 158. "As Evita's health continued to deteriorate that month, the city of Quilmes resolved to change its name to 'Eva Peron', and Congress, after a special legislative session, devoted to eulogies of 'the most remarkable woman of any historical epoch', gave her the title Jefe Espiritual de la Nacion (Spiritual Leader of the Nation)."
  4. Crassweller, Robert D. Perón and the Enigmas of Argentina. W.W. Norton & Company, New York, London. 1980, 1996. Page 245. "A week later, on her thirty-third birthday, she received from Congress the title of Spiritual Leader of the Nation." ISBN 0-393-30543-0
  5. Fraser, Nicholas. Navarro, Marysa. Evita: The Real Life of Eva Peron. W.W. Norton & Company, New York, London. 1980, 1996. Page 196. "'Any artist has the right to create,' said the Interior Minister Carlos Ruckauf huffily. 'But when it deals with the most important woman in the history of the country - as no doubt Evita is - we want the right to debate with Stone.'"
  6. Fraser, Nicholas. Navarro, Marysa. Evita: The Real Life of Eva Peron. W.W. Norton & Company, New York, London. 1980, 1996. Pages 2-3.
  7. Queiroz, Juan Pablo. De Elia, Tomas. Evita: An Intimate Portrait of Eva Peron. Rizzoli. New York. 1997.
  8. Perón, Eva Duarte de. Evita by Evita. Proteus Publishing Limited. London. 1978.
  9. Fraser, Nicholas. Navarro, Marysa. Evita: The Real Life of Eva Peron. W.W. Norton & Company, New York, London. 1980, 1996, page 4.