Pumunta sa nilalaman

Masining na paglalayag sa yelo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Figure skating)
Isang babaeng masining at mahubog na naglalayag sa yelo.

Ang Masining na sayaw sa yelo o mahubog na indayog sa yelo (Ingles: Figure skating) ay ang masining at mahubog na pagsasayaw at pag-indayog habang naglalayag sa ibabaw ng yelo. Tinatawag at inilalarawan pa din ito bilang masining na paglalayag sa yelo, artistikong pag-iiskeyt o masining na pag-iiskeyting sa yelo, masining na pagpapatina sa yelo (mula sa salitang "patinahe" na batay mula sa salitang Kastila na patinaje), masining na pagsasayaw sa yelo, mahubog na pagsakay-kaskas sa yelo, masining na pagpapadulas sa yelo, o mahubog na pagpapadulas sa yelo ay isang isport sa palakasang Olimpiko kung saan ang mga indibiduwal, mga magkakapareha, o mga pangkat ay nagsasagawa ng mga pag-ikot, pagtalon, gawaing pampaa at iba pang kumplikado at mapanghamong mga kilos habang nakasuot ng sapatos na pangsayaw sa ibabaw ng yelo. Ang mga manlalarong nagpapadulas at nagsasayaw sa yelo ay nakikipagtagisan sa sari-saring mga antas magmula sa nagsisimula hanggang sa antas na Olimpiko (mga senior), at sa mga kumpetisyong lokal, nasyunal, at internasyunal. Ang International Skating Union (ISU) ang inampalang namamahala sa paghuhusga at pagdaraos ng mga panahon ng pagtatagisan. Isang opisyal na kaganapan ang masining na pagsasayaw sa yelo sa Pangtaglamig na mga Palarong Olimpiko. Sa mga wikang bukod pa sa Ingles at Ruso, ang pahubog na pag-iiskeyting ay karaniwang tinutukoy sa pamamagitan ng isang pangalan na maisasalinwika bilang isang "masining na pag-iiskeyt sa ibabaw ng yelo" o "masining na pagsakay-kaskas, paglalayag at pagsasayaw sa ibabaw ng yelo".

Ang International Skating Union (ISU) o "Pandaigdigang Kaisahan sa Iskeyting" ang nagpapasinaya ng mga pangunahing paligsahang pandaigdigan. Kabilang sa mga ito ang Pangtaglamig na mga Palarong Olimpiko, ang mga Kampeonatong Pandaigdigan, ang World Junior Championships, ang mga Kampeonatong Pang-Europa, at ang mga Kampeonato para sa Apat na mga Kontinente, at ang mga serye ng Grand Prix (pang-senior at pang-junior).

May kaugnayan din ang isport sa negosyo ng mga palabas na pantelebisyon. Sa pangkalahatan, ang pangunahing mga tagisan ay kinabibilangan ng mga ekshibisyon o pagpapamalas ng kagalingan sa hulihan kung saan ang nangungunang mga iskeyter ay nagtatanghal sa mga programang hindi pangkumpetisyon para sa mga manonood. Maraming mga iskeyter, kapwa habang at pagkaraan ng kanilang mga karerang pangkumpitensya, ay nag-iiskeyt para sa mga ekshibisyon ng iskeyting o mga pagtatanghal na idinaraos habang nasa panahon ng pagkukumpitensya at mga panahong walang idinaraos na paligsahan.

Terminolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga masisining na nagpapadulas sa yelo na nakikipagpaligsahan sa pinakamataas na antas ng pandaigdigang paligsahan ay hindi mga “prupesyunal” na nagpapadulas sa yelo. Paminsan-minsan silang tinutukoy bilang mga baguhan (amateur) bagaman nakakatanggap sila ng ilang pera. Ang katawagang “prupesyunal” sa pagpapadulas sa yelo ay hindi tumutukoy sa antas ng kasanayan, sa halip ay tumutukoy ito sa katayuan ng pagiging karapat-dapat o kung kuwalipikado. Ang isang prupesyunal na tagapagpadulas sa yelo ay isang walang kuwalipikasyon (walang elihibilidad) para sa mga kumpetisyon ng ISU at ng Olimpiks. Ang prupesyunal na mga tagapagpadulas sa yelo ay maaaring sumaklaw sa dating mga kampeon sa Olimpiks at paligsahang pangdaigdigan na nagtapos na ang kanilang karerang pampaligsahan hanggang sa mga nagpapadulas sa yelo na may kaunti o kaya walang karanasan sa paligsahang internasyunal.

Mga disiplina

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang palarong Olimpiko para sa mahubog na pagpapadulas sa yelo ay binubuo ng sumusunod na mga disiplina:[1]

  • Pang-isahang papadulas sa yelo (Isahan), pang-isahang paligsahan na para sa mga lalaki at mga babae. Ang mga babae ay tinatawag na mga “lady” ayon sa aklat ng patakaran ng ISU, kung saan ang mga nagpapadulas ay nagsasagawa ng mga pagtalon, pag-ikot, mga sunud-sunod o sekwensiya ng mga hakbang, mga “spiral”, at iba pang mga elemento sa loob ng kanilang mga programa.
  • Tambalan na pagpapadulas sa yelo (Tambalan), kung saan ang mga pangkat ay binubuo ng isang lalaki at ng isang babae. Ang mga magkapareha ay nagsasagawa ng mga elementong particular para sa disiplina, katulad ng mga paitsa o pahagis na pagtalon, kung saan ang lalaki ay “inihahagis” ang babae papunta sa isang pagtalon; mga pag-aangat o pagbubuhat, kung saan ang babae ay binubuhat na lampas sa ulo ng lalaki sa loob ng samu’t saring mga pagtangan o paghawak at mga posisyon; pag-ikot na tambalan, kung saan ang magkapareha ay kapwa umiikot sa isang painugan; mga “pagbalintuwad na pangkamatayan”; at iba pang mga elementong katulad ng pagtalon habang magkatabi at sabayang pag-ikot.
  • Pagsasayaw sa yelo, na isa pa ring pagpapadulas sa yelo na pangtambalan o pangmagkapareha na binubuo ng isang babae at ng isang lalaki na magkasamang nagpapadulas sa yelo. Naiiba ang pagsasayaw sa yelo magmula sa tambalang pagpapadulas sa yelo dahil sa pabibigay ng pansin sa intrikado o kumplikadong mga galaw ng paa na isinasakatuparan habang magkalapit at magkahawak; na kasaliw sa tiyempo ng tugtugin. Ang mga pag-aangat sa pagsasayaw sa yelo ay hindi nararapat na lumampas sa mga balikat.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Figure skating at Olympic.org, napuntahan noong 4 Setyembre 2006.