Pumunta sa nilalaman

Alberto ng Sahoniya, Coburgo, at Gotha

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Franz Karl August Albert Manuel)
Si Prinsipe Alberto.

Si Prinsipe Alberto ng Sahoniya-Coburgo-Gotha o Prinsipe Albert ng Saxe-Coburg at Gotha, na ang buong pangalan ay Franz Karl August Albert Manuel von Sachsen-Coburg und Gotha sa bersiyong Ingles, na katumbas ng Francis Albert Augustus Charles Emmanuel (ng Sahoniya-Coburgo-Gotha) sa bersiyong Ingles;[1] na sa paglaon ay naging Prinsipeng Abay; 26 Agosto 1819 – 14 Disyembre 1861) ay ang asawa ni Reyna Victoria ng Nagkakaisang Kaharian ng Dakilang Britanya at Irlanda.

Ipinanganak siya sa kadukehang Sahon ng Saxe-Coburg-Saalfeld sa isang mag-anak na mayroong kaugnayan sa maraming mga namumunong monarka ng Europa. Sa maagang edad na 20, pinakasalan niya ang kaniyang pinsang buo na si Reyna Victoria, kung kaninong siya ay nagkaroon ng siyam na mga anak. Noong una, tila napipilitan lamang si Alberto na gampanan ang kaniyang posisyon bilang konsorte o abay, na hindi nagkakaloob ng anumang kapangyarihan o mga tungkulin sa kaniya. Sa paglipas ng mga panahon, umako siya ng maraming mga layuning makamadla, katulad ng mga repormang pang-edukasyon at ng pandaigdigang pagpawi sa pang-aalipin, at gumanap sa mga pananagutan ng pagpapatakbo sa sambahayan, mga estado at tanggapan ng Reyna. Lubos ang kaniyang naging pagsangkot sa samahan ng Dakilang Eksibisyon noong 1851. Tumulong si Alberto sa pagpapaunlad ng monarkiyang konstitusyonal ng Britanya sa pamamagitan ng paghimok sa kaniyang asawa na magpakita ng binawasang antas ng pagkapartisano na may kaugnayan sa pakikitungo sa Parlamento - bagaman masigla niyang tinutulan ang patakaran na pang-ugnayang panlabas na interbensiyonista (may pakikialam o may pamamagitan) na itinataguyod noong panahon ng panunungkulan ni Panginoon Palmerston bilang Sekretaryo ng Ugnayang-Panlabas.

Namatay si Prinsipe Alberto sa maagang gulang na 42, na nakapagsanhi sa Reyna na magluksa nang labis at nagtagal sa loob ng panahon ng natitira pang bahagi ng kaniyang buhay. Sa pagkamatay ni Reyna Victoria noong 1901, ang kaniyang panganay na anak na lalaking si Edward VII ang humalili bilang unang monarkiyang Britaniko ng Sambahayan ng Saxe-Coburg at Gotha, na pinangalanan mula sa kabahayang dukal (pangkadukehan) na kinasasalihan ni Prinsipe Alberto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. London Gazette & 7 Pebrero 1840.