Pumunta sa nilalaman

Erinyes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Furies)
Dalawang Erinyes, mula sa isang sinaunang plorera.

Sa mitolohiyang Griyego, ang mga Erinyes (Ἐρινύες, pl. of Ἐρινύς, Erinys; literal na "ang mga mapaghiganti") mula sa Griyegong ἐρίνειν "tugisin, siilin"--paminsan-minsang tinutukoy bilang "kasuklam-suklam ng mga diyosa" (mga babaeng diyosa na masamang magalit) (Griyegong χθόνιαι θεαί)-- ay mga babeng espiritu o diyus-diyosang ng paghihiganti. Isang panunumpa sa Iliad ang tumatawag sa kanila bilang "ang mga nasa ilalim ng mundo na nagpaparusa sa mga nanumpa ng maling panunumpa".[1]Iminungkahi ni Walter Burkert na sila ay "isang pagkakatawan ng gawain ng panunungayaw sa sarili na nilalaman sa panunumpa".[2] Tumutugma sila sa mga Furies (mga Fury sa Ingles) o Dirae sa mitolohiyang Romano.

Noong kapunin ng Titanong si Cronus ang kanyang amang si Uranus at tinapon ang henitalya nito sa dagat, lumitaw ang mga Erinyes mula sa mga tulo ng dugo, habang ipinanganak naman si Aphrodite magmula sa mga paltok ng bula ng dagat. Ayon sa magkakaibang mga kuwento,[3][4][5] [6] sumulpot sila sa mas primordiyal na antas — mula kay Nyx, "Gabi". Ang kanilang bilang karaniwang iniiwang hindi natitiyak. Si Virgil, na maaaring sumangguni sa isang pinagkunan sa Alexandria, ay kumilala ng tatlo: sina Alecto ("hindi mapangalanan" na lumitaw sa Aeneid ni Virgil), Megaera ("mapagkimkim" ng galit), at Tisiphone ("mapaghiganting pangwawasak"). Sumunod si Dante kay Virgil sa paglalarawan ng kahalintulad na triptiko (triptych) ng mga Erinyes; sa Canto IX ng Inferno kung saan hinarap nila ang mga makata sa tarangkahan ng lungsod ng Dis. Ang mga ulo ng Erinyes ay nakokoronahan ng mga ahas (ihambing ang Gorgon) at ang kanilang mga mata ay may tulo ng dugo, na nagpapakita ng kanilang anyo bilang nakakatakot. Ang iba pang mga depiksyon ay nagpapakita sa kanila ng mga pakpak ng isang paniki o ibon at ang katawan ay ng isang aso.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Iliad iii.278ff; xix.260ff
  2. Burkert 1985, p. 198
  3. Aeschylus Eumenides 321
  4. Lycophron 432
  5. Virgil Aeneid 6.250
  6. Ovid Metamorphoses 4.453