Pumunta sa nilalaman

Galis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Galis-aso)
Scabies
Isang potomikrograpo ng isang "kuto ng pangangati" (itch mite o Sarcoptes scabiei).
EspesyalidadInfectious diseases Edit this on Wikidata

Ang Galis, galis-aso, dusdos, o pagpapalot (Ingles: scabies, mula sa Latin: scabere, "magkamot"; tinatawag ding "the itch" o "ang kati"[1]),[2] na mas kilala sa kolokyal na katawagang pitong taon ng pangangati,[3] ay isang nakakahawang impeksiyon sa balat na nagaganap sa mga tao at iba pang mga hayop. Dulot ito ng isang mikmik o napakaliit at pangkaraniwang hindi tuwirang nakikitang parasito, ang kutong Sarcoptes scabiei, na naghuhukay at naglulungga sa ilalim ng balat ng taong kinapitan nito, na nagsasanhi ng matinding pangangating may alerhiya. Ang impeksiyon sa mga hayop (na dulot ng iba subalit kaugnay na espesye ng kuto o garapata) ay tinatawag na sarcoptic mange o "kagaw".

Ang sakit na ito ay maaaring mailipat mula sa mga bagay subalit pinaka madalas na naihahawa sa pamamagitan ng tuwirang pagdikit ng balat sa balat ng ibang nilalang, na may mas mataas na panganib kapag nagtagal ang pagdadampi ng mga balat. Ang paunang mga impeksiyon ay nangangailangan ng apat hanggang anim na mga linggo upang makitaan ng sintomas. Subalit ang muling pagkakaroon ng impeksiyon ay maaaring maglantad ng mga sintomas sa loob ng panahon na maaaring hindi bumaba sa 24 oras. Dahil ang mga sintomas ay alerhiko, ang pagkaantala ng pag-uumpisa ng mga ito ay kadalasan sinasalamin ng isang mahalagang pagkahuli sa pagginhawa pagkaraang matanggal na ang mga parasito. Ang galis na may langib (crusted scabies), dating nakikilala bilang galis ng Noruwego (Norwegian scabies), ay isang mas masidihing anyo ng impeksiyon na kadalasang may kaugnayan sa imunosupresyon.

Ang karamdaman ay maaaring matalab na malunasan sa pamamagitan ng isang bilang ng mga gamot. Ang kremang Permethrin ay ang pinakamabisa, subalit mamahalin ang halaga kung ihahambing sa ibang mga panglunas. Hindi gaanong epektibo ang Crotamiton, ngunit ito ay hindi nakakalason at nakagiginhawa at nakapagpapahupa. Maaaring inumin o ipahid sa balat ang Ivermectin. Ang paggagamot sa pamamagitan ng inihandang lindane ay hindi na ninanais dahil sa mataas na antas ng pagka-nakakalason nito at dahil sa hindi tinatablan ang parasito (nagkaroon ng resistensiya laban sa gamot na ito ang parasito). Upang maiwasan ang muling pagkakaroon ng impeksiyon, kadalasang ginagamot din ang mga kaugnayang ibang tao ng pasyente kinapitan ng parasito.

Maraming mga gamot na nabibili sa mga botika ang pwedeng ipang lunas sa galis. Sa Kabisayaan, isa sa mga kilala at mainam na lunas ay ang Mezasol o pinaghalong lagis na galing sa puno ng Himag, halaman na Makabuhay at iba pang mga sangkap. Ang Mezasol ay nabibili sa mga bangketa at palengke sa Negros at Iloilo.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 562.
  2. Mosby’s Medical, Nursing and Allied Health Dictionary, Ika-apat na Edisyon, Mosby-Year Book Inc., 1994, p. 1395
  3. Gates, Robert H. (2003). Infectious disease secrets (ika-2. (na) edisyon). Philadelphia: Elsevier, Hanley Belfus. p. 355. ISBN 9781560535430.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)