Diperensiya ng pagkataong galit sa lipunan
Itsura
(Idinirekta mula sa Galit na panglipunan)
Diperensiya ng pagkataong galit sa lipunan | |
---|---|
Klasipikasyon at mga panlabas na sanggunian | |
ICD-10 | F60.2 |
ICD-9 | 301.7 |
MeSH | D000987 |
Ang Diperensiya ng antisosyal na personalidad, diperensiya ng pagkataong laban sa mundo, o diperensiya ng pagkataong galit sa lipunan (Ingles: antisocial personality disorder) ay isang saykayatrikong diyagnosis kung saan ang isang indibidwal ay kinakikitaan ng isang malaganap na kagawian ng pagwawalang-bahala sa ibang tao, at paglabag sa mga karapatan ng iba na nagsisimula sa pagkabata o maagang kabataan at nagpapatuloy sa karampatang gulang.