Pumunta sa nilalaman

Game design

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Game designer)

Ang pagdidisenyo ng laro ay ang sining ng paggamit ng disenyo at estetika upang makagawa ng laro na nagpapadali ng ugnayan sa pagitan ng mga manlalaro para sa paglilibang o para sa medikal, pang-edukasyon o eksperimental na mga layunin. Ang pagdidisenyo ng laro ay maaaring gamitin pareho sa laro at, unti unti, sa iba pang mga ugnayan, partikular na yung mga birtuwal (tignan gamification).

Ang pagdidisenyo ng laro ay gumagawa ng mga layunin, mga patakaran, at mga pagsubok upang tukuyin ang isang palaro, larong pangmesa, larong panayaan, larong bidyo, larong may papel na ginagampanan o simulasyon na gumagawa ng kanais-nais na ugnayan sa pagitan ng mga kalahok nitoo at, marahil, sa mga manonood.

Sa pag-akademya, ang pagdidisenyo ng laro ay bahagi ng pag-aaral ng laro, habang ang teorya ng laro ay nag-aaral ng mga paraang may estratehiya sa paggawa ng desisyon (lalo na sa mga sitwasyong hindi tungkol sa laro). Ang mga laro ay dati nang naging inspirasyon sa matagumpay na pananaliksik sa larangan ng probabilidad, artipisyal na katalinuhan, ekonomiya, at pag-optimisa ng teorya.