Pumunta sa nilalaman

Harmoniya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Harmony)

Ang kaayusan, pagkakabagay, kalawilihan, tugmaan, ugmaan, pagkakatugma, pakikitungo, tugunan, pagkakasundu-sundo, pagkakaugnayan, magandang ugnayan, armonya, harmoniya, armoniya, harmonya, katuyagan, kaakordehan, pagkakamayaw o kamayawan[1][2] ng mga nota ay ang pagtutugtog ng ilang mga nota na magkakasama upang makagawa ng "bagting" o "kuwerdas", na may ibig sabihing tatlo o higit pang sabay-sabay na mga notang kaaya-aya ang kumbinasyon. Ang salitang Griyegong harmonia na kaugnay ng Ingles na harmony ay nangangahulugang "pagsasama-sama ng mga bagay". Ang isang himig ay maaaring may maayang tunog sa sarili lamang nito, subalit mapagtutugma-tugma ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga akumpanyamento (dagdag, kasama, o kasahog) ng mga bagting. Harmonisasyon ang tawag sa pag-aaral kung paano ito gawin. Napag-aaralan ng mga estudyante kung alin mga kuwerdas ang kaaya-aya pagkaraan ng pagtutugtog ng isa na susundan pa ng isa o iba pa. Tinatawag itong "mga progresyon ng mga bagting" o "pagkakasunud-sunod ng mga kuwerdas". Maraming mga teorista ng musika ang nagsulat ng mga aklat tungkol sa harmoniya.

Ang tugtuging binubuo ng isang himig na may harmoniya sa ilalim nito ay tinatawag na "homoponiko". Sa isang paraan, ito ang kabaligtara ng poliponiko na nangangahulugang bawat isang bahagi (bahagi tinig) ay isang himig talaga. Subalit, maging ang poliponiya ay kailangang gumawa ng kaaya-ayang harmoniya. Ang harmoniyang nakikilala natin sa ngayon sa musikang Europeo ay naging talagang maunlad pagsapit ng kapanahunan ng tugtuging Barok (Baroque music) noong ika-17 daangtaon.

Makatutugtog ang isang manunugtog ng isang kuwerdas na may tatlong mga nota na ginagamit ang una, ikatlo, at ikalimang mga nota ng iskala ng anumang susing kinapapalooban ng musika. Nagbibigay ito ng isang kuwerdas na may tunog na katulad ng "tahanang kuwerdas". Nangangahulugan ito na hindi bababa sa tatlong mga nota ang kailangan para sa harmoniya. Sa karamihan ng musikang homoponiko, mayroong apat na kasama: halimbawa, ang isang koro o kantores ay pangkaraniwang hahatiin sa soprano, alto, tenor, at baho (bass); at ang kuwartet ng mga instrumentong may bagting ay mahahati sa biyolin 1, biyolin 2, biyola, at tselo.

Ang harmoniyang gumagamit lang mga nota ng susi (iyong gumagamit lang ng puting mga nota mula sa mayor na C) ay tinatawag na "harmoniyang tonal" o "harmoniyang pangtono". Samantala, ang harmoniyang nagdaragdag ng maraming mga dagdag o ekstrang mga notang matatalim o mahayag (sharp, #) at mga notang sapad o pipis (flat) ay tinatawag na "haromiyang kromatiko".

Ang harmoniya ay maaari ring maging "atonal" o "walang tono" o "wala o kulang sa sentrong tono o susi",[3] katulad ng ilang mga tugtugin ni Arnold Schoenberg.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Harmony - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Harmony, pakikitungo, pagkakatugma". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gaboy, Luciano L. Atonal - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.