Pumunta sa nilalaman

Pagpalya ng puso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Heart failure)
Pagpalya ng puso
Ang pangunahing mga palatandaan at mga sintomas ng pagpalya ng puso.
EspesyalidadKardiolohiya Edit this on Wikidata

Ang pagpalya ng puso o panghihina ng puso (Ingles: heart failure, dinadaglat na HF, na madalas na tinatawag bilang congestive heart failure, dinadaglat bilang CHF o congestive cardiac failure, dinadaglat bilang CCF, na ang dalawang panghuli ay may kahulugang pagkabigo ng puso sa tungkulin nito na mayroong paninikip), ay nagaganap kapag hindi na nagawa ng puso na makapagbigay ng sapat na galaw na pagbomba o pagpintig upang makapagpanatili ng daloy ng dugo upang maabot ang mga pangangailangan ng katawan.[1][2][3] Ang pagpalya ng puso ay maaaring makapagdulot ng isang bilang ng mga sintomas na kinabibilangan ng kahirapan sa paghinga (hinahabol ang hininga), pagbintog o pamamaga ng mga hita (pagkakaroon ng manas sa mga hita), at hindi makatagal sa pag-eehersisyo. Ang kalagayan ay napag-aalaman o nadidiyagnosis sa pamamagitan ng pagsusuri ng katawan ng pasyente at natitiyak sa pamamagitan ng ekokardiyograpiya. Nakakatulong ang mga pagsusuri ng dugo sa diyagnosis na pang-etiyolohiya. Ang pagharap na paglulunas ay nakabatay sa kalubhaan at etiyolohiya ng pagpalya ng puso. Sa isang pasyenteng kroniko na nasa matatag nang katayuan, ang paggamot ay karaniwang binubuo ng mga gawain sa estilo ng pamumuhay na katulad ng pagtigil sa paninigarilyo, ehersisyong magagaan, mga pagbabago sa diyeta, at mga medikasyon (mga gamot). Sa kung minsan, ayon sa etiyolohiya, ginagamot ito sa pamamagitan ng mga aparatong iniimplanta o "itinatanim" sa katawan o sa puso katulad ng mga pacemaker o ng mga aparatong pantulong sa mga bentrikulo o mga ventricular assist device) at kung minsan ay kailangan ang pagtatransplanta ng puso (mula sa katawan ng ibang tao na kamamatay pa lamang).

Mga palatandaan at mga sintomas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sintomas ng pagpalya ng puso ay nakaugalian at tila nagkataong hinahati sa "kaliwa" at sa "kanan" na mga gilid o bahagi ng puso, na kinikilala ang mga bentrikulong nasa kaliwa at nasa kanan ay nagpapadala at nagpapadaloy ng dugo papunta sa iba't ibang mga bahagi ng sirkulasyon. Subalit, ang pagkabigo ng puso ay hindi lamang pagpalyang paatras o backward failure (sa bahagi ng sirkulasyon na umaagos papunta sa bentrikulo).

Mayroong ilang iba pang mga hindi pagsasama sa isang payak na kahatiang kaliwa at kanan ng mga sintomas ng pagpaglya ng puso. Sumasanib ang pangkaliwang gilid na pasulong (forward) na pagpalya sa pangkanang gilid na pagpalyang paurong (backward). Bilang dagdag, ang pinaka pangkaraniwang sanhi ng pagpalya ng kanang gilid ng puso ay ang pagpalya ng kaliwang gilid ng puso. Ang resulta nito ay ang mga pasyenteng naghaharap o nagpapakita ng kapwa mga pangkat ng mga palatandaan at mga sintomas.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. heart failure sa Dorland's Medical Dictionary (sa Ingles)
  2. "Heart failure". Health Information. Mayo Clinic. 23 Disyembre 2009. DS00061.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Definition of Heart failure". Medical Dictionary. MedicineNet. 27 Abril 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Disyembre 2011. Nakuha noong 13 Abril 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]