Pumunta sa nilalaman

Hulk

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bruce Banner
Hulk
Logo ng komiks na The Incredible Hulk
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaMarvel Comics
Unang paglabasThe Incredible Hulk #1 (Mayo 1962)
TagapaglikhaStan Lee
Jack Kirby
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanRobert Bruce Banner[1]
EspesyeNag-mustasyong tao
Lugar ng pinagmulanDayton, Ohio
Kasaping pangkatAvengers
Defenders
Horsemen of Apocalypse
Fantastic Four[2]
Pantheon
Warbound
S.M.A.S.H.
Secret Avengers
Kilalang alyasJoe Fixit, War, World-Breaker, Doc Green, Devil Hulk
KakayahanBilang Bruce Banner:
  • Henyong katalinuhan

Bilang Hulk:

  • Hindi tinatablan
  • Higit-sa-taong lakas, bilis, istamina, at tibay
  • Pagpapalakas kapag galit
  • Rehenerasyon

Si Hulk ay isang kathang-isip na karakter at superhero na lumalabas sa mga publikasyon ng Amerikanong tagapaglathala na Marvel Comics. Nilikha ng manunulat na si Stan Lee at tagaguhit na si Jack Kirby, unang lumabas ang karakter sa unang isyu ng The Incredible Hulk (Mayo 1962). Sa kanyang mga pagpapakita sa komiks, ang karakter ay parehong Hulk, isang kulay-luntiang, malaki at maskuladong mala-tao na mayroong isang malawak na antas ng pisikal na lakas, at ang kanyang ibang katauhan na si Dr. Robert Bruce Banner, isang pisikal na mahina, iwas sa lipunan, at reserbado ang emosyon na pisiko. Umiiral ang dalawa bilang independenteng magkahiwalay na mga personalidad, at may hinanakit ang bawat isa.

Pagkatapos ng kanyang aksidenteng pagkabilad sa mga sinag na gamma nang sinagip ang buhay ni Rick Jones noong pagputok ng isang eksperimental na bomba, pisikal na nabago si Banner upang maging si Hulk kapag nagkakaroon ng emosyonal na istres, sa o laban sa kanyang kalooban, na kadalasan nagdudulot ng mapangwasak na alboroto o hidwaan na kinumplikado ang sibilyang buhay ni Banner. Ang antas ng lakas ni Hulk ay karaniwang hinahatid bilang kasukat ng kanyang antas ng galit. Karaniwang sinasalarawang bilang damuhong nagngangalit, kinatawan si Hulk sa ibang personalidad batay sa sirang pag-iisip ni Banner, mula sa walang isip na mapang-wasak na mandirigma tungo sa isang napakatalinong mandirigma, o henyong siyentipiko sa kanyang sariling kakayahan. Sa kabila ng pagnanasa nina Hulk at Banner na maging mapag-isa, mayroon malawak na pansuportang karakter ang dalawang personalidad na ito. Kabilang dito ang katambal sa pag-ibig ni Banner, si Betty Ross, ang kanyang matalik na kaibigang si Rick Jones, ang kanyang pinsan na si She-Hulk, at terapeuta at kakamping si Doc Samson. Karagdagan pa dito, ang Hulk na ibang katauhan ay maraming susing pansusportang karakter tulad ng kanyang mga kapwa-tagapagtatag ng pangkat superhero na Avengers, kanyang reynang si Caiera, kanyang kapwang mandirigmang sina Korg at Miek, at kanyang mga anak na sina Skaar at Hiro-Kala. Bagaman, nagdulot sa kanya ang kanyang hindi mapigilang kapangyarihan na magkaroon ng hidwaan sa ibang kapwa bayani at iba pa. Sa kabila nito, sinusubukan niya gawin ang tama sa abot ng kanyang makakaya habang nilalabanan ang mga kontrabida tulad nina Leader, Abomination, Absorbing Man at marami pa.

Sinimulan ni Lee ang paglikha kay Hulk nang nagkaroon siya ng inspirasyon sa kombinasyon ng Frankenstein at Dr. Jekyll and Mr. Hyde.[3] Bagaman iba't iba ang pagkulay kay Hulk sa kasaysayan ng paglalathala ng karakter, luntian ang pinakakaraniwang kulay nito.

Isa sa mga pinaka-ikonikong karakter sa popular na kultura,[4][5] lumabas ang karakter sa iba't ibang mga paninda, tulad ng pananamit, bagay na kinokolekta, na-inspirasyong istraktura sa totoong-mundo (tulad ng atraksyon sa tematikong parke) at nabanggit sa ilang mga midya. Nagkaroon sina Banner at Hulk ng adaptasyon sa live-action (totoong-tao), animasyon, at larong bidyo. Sa seryng pantelebisyon na nagsimula noong 1978, ginampanan ni Bill Bixby si Bruce Banner habang si Lou Ferrigno naman ang gumanap na Hulk. Si Eric Bana ang unang aktor na gumanap ng parehong Hulk at Bruce Banner sa pelikulang Hulk noong 2003. Sa Marvel Cinematic Universe, unang ginagampanan ni Edward Norton si Hulk/Bruce Banner sa pelikulang The Incredible Hulk (2008) at napalitan ni Mark Ruffalo sa mga pelikulang The Avengers (2012), Iron Man 3 (2013) bilang isang kameyo, Avengers: Age of Ultron (2015), Thor: Ragnarok (2017), Avengers: Infinity War (2018), Captain Marvel (2019) bilang isang kameyo, at Avengers: Endgame (2019). Gagampanan din ni Ruffalo ang parehong karakter sa serye ng Disney+ na What If...? (2021) at She-Hulk (2022).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cronin, Brian (Nobyembre 3, 2005). "Comic Book Urban Legends Revealed #23". Comic Book Resources (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 27, 2015. [Stan] Lee began referring (for more than a couple of months) to the Incredible Hulk's alter ego as 'Bob Banner' rather than the 'Bruce Banner' that he was originally named. Responding to criticism of the goof, Stan Lee, in issue #28 of the Fantastic Four, laid out how he was going to handle the situation, 'There's only one thing to do-we're not going to take the cowardly way out. From now on his name is Robert Bruce Banner-so we can't go wrong no matter WHAT we call him!'{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Simonson, Walt (w), Adams, Arthur (p), Thibert, Art (i). "Big Trouble on Little Earth!" Fantastic Four 347 (Disyembre 1990)
  3. DeFalco, Tom (2003). The Hulk: The Incredible Guide (sa wikang Ingles). London, United Kingdom: Dorling Kindersley. p. 200. ISBN 978-0-7894-9260-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Miller, Matt (Hulyo 13, 2016). "Marvel Just Killed Off Another Iconic Superhero (But it Was the Worst One, Really)". Esquire (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 1, 2016. Nakuha noong Oktubre 1, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Rothman, Michael (Hulyo 13, 2016). "Marvel Kills Off Iconic 'Avenger' and 50-Year-Old Superhero". Good Morning America (sa wikang Ingles). Yahoo!. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 1, 2016. Nakuha noong Oktubre 1, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)