Ikaapat na Konseho ng Constantinople (Romano Katoliko)
Ikaapat na Konseho ng Constantinople (869–870) | |
---|---|
Petsa | 869–870 CE |
Tinanggap ng | Romano Katoliko |
Nakaraang konseho | Ikalawang Konseho ng Nicea |
Sumunod na konseho | Roman Catholic: Unang Konseho ng Lateran |
Tinipon ni | Emperador Basil I at Papa Adrian II |
Pinangasiwaan ni | mga legato ng papa |
Mga dumalo | 20–25 (unang sesyon 869), 102 (huling sesyon 870) |
Mga Paksa ng talakayan | Patriarkada ni Photius |
Mga dokumento at salaysay | Pagtanggal sa posisyon kay Photius, 27 kanon |
Talaang kronolohikal ng mga konsehong ekumenikal |
Ang Ikaapat na Konseho ng Constantinople (Romano Katoliko) ay kinikilala na Ikawalong Konsehong Ekumenikal sa Simbahang Katoliko Romano na idinaos sa Consantinople mula Oktubre 5, 869 CE hanggang Pebrero 28, 870 CE. Ito ay hindi tinatanggap sa Simbahang Silangang Ortodokso. Ito ay kinabibilangan ng 102 obispo, dalawang mga legato ng papa at apat na patriarka.[1] Ang konsehong ito ay nagpulong sa 10 sesyon mula Oktubre 869 CE hanggang Pebrero 870 CE at nag-isyu ng 27 kanon. Ito ay tinipon ng emperador Basil I na Macedonia at Papa Adriano III.[2] Ang konsehong ito ay nagtanggal kay Photios I ng Constantinople na isang taong lay na nahiran bilang Patriarka ng Constantinople at muling naglagay sa kanyang predesesor na si Patriarka Ignacio ng Constantinople. Muling pinagtibay rin ng konsehong ito ang mga desisyon ng Ikalawang Konseho ng Nicaea bilang pagsuporta sa mga ikono at imahen at nag-ataas sa imahen ni Kristo na magkaroon ng benerasyon ng katumbas ng ebanghelyo. [3] Ang kalaunang konseho na Ikaapat na Konseho ng Constantinople (Silangang Ortodokso) ay idinaos pagkatapos ibalik si Photios sa atas ng emperador. Ngayon, kinikilala ng Simbahang Katoliko Romano ang Konseho noong 869–870 CE bilang "Constantinople IV" samantalang kinikilala ng Silangang Ortodokso ang Konseho noong 879–880 CE bilang "Constantinople IV" at kumikilala kay Photios bilang isang santo. Sa panahong ang mga konsehong ito ay idinadaos, ang dibisyong ito ay hindi pa maliwanag. [4] Ang dalawang mga konsehong ito ay kumakatawan sa isang papalagong pagkakabahagi sa pagitan ng Kristiyanismong Silangang(Ortodokso) aty Kanluran(Romano Katoliko). Ang nakaraang Unang Pitong Konsehong Ekumenikal ay kinikilalang ekumenikal at autoritatibo ng parehong Silangang Ortodokso at Romano Katoliko. Ang mga pagkakaibang ito ay kalaunang humantong sa Schismong Silangan-Kanluran noong 1054.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Catholic encyclopedia
- ↑ "Photius." Cross, F. L., ed. The Oxford dictionary of the Christian church. New York: Oxford University Press. 2005
- ↑ Steven Bigham, 1995 Image of God the Father in Orthodox Theology and Iconography ISBN 1-879038-15-3 page 41
- ↑ Karl Rahner, 2004 Encyclopedia of theology ISBN 0-86012-006-6 pages 300