Pumunta sa nilalaman

Kompuwestong inorganiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Inorganiko)

Ang mga kompuwestong inorganiko ang anumang kompuwestong kimikal na hindi naglalaman ng karbono o sa ibang salita ay isang kompuwestong kimikal na hindi isang kompuwestong organiko. Ang mga kompuwestong organiko ay naglalaman ng mga kawing na karbon kung saan ang isa o higit pang mga atomong karbon ay kobalenteng nakakawing sa isang atomo ng ibang uri na ang pinakakaraniwan ay hidroheno, oksiheno o nitroheno. Ang ilang mga kompuwestong naglalaman ng karbono ay tradisyonal na itinuturing na mga kompuwestong inorganiko kabilang ang monoksidong karbono, dioksidong karbono, mga karbonata, mga siyanuro, siyanato, mga karbido, at tiyosiyanato.