Pumunta sa nilalaman

Diyagramang Ishikawa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ishikawa Diagram)
Isang halimbawa ng Ishikawa Diagram.[1]

Ang diyagramang Ishikawa (kilala rin bilang diyagramang tinik,[2] o diyagrama ng sanhi-at-bunga) ay diyagramang masanhi na inilikha ni Kaoru Ishikawa upang maipakita ang potensiyal na sanhi ng isang partikular na pangyayari.[3]

Kabilang sa mga karaniwang paggamit ng diyagramang Ishikawa ang pagdidisenyo ng produkto at pag-iiwas sa depekto sa kalidad upang tukuyin ang mga potensiyal na salik na nagdudulot ng isang partikular na epekto. Ang bawat sanhi o dahilan ng imperpeksiyon ay pinagmumulan ng baryasyon. Kadalasan, ipinapangkat ang mga sanhi sa mga pangunahing kategorya upang matukoy at maiuri ang mga pinagmumulan ng baryasyon.

Halimbawa ng diyagramang Ishikawa na nagpapakita ng mga sanhi na nakadaragdag sa isang problema

Ang depekto, o ang problemang dapat lutasin,[2] ay ipinapakita bilang ulo ng isda, nakaharap sa kanan, at nasa kaliwa nito ang mga sanhi bilang mga tinik; sumasangay ang mga tinik mula sa gulugod para sa mga pangunahing sanhi, na may mga suwi para sa mga ugat na dahilan, at maaaring magkaroon ng mas marami pang antas kung kinakailangan.[4]

Pinasikat ang mga diyagramang Ishikawa noong d. 1960 ni Kaoru Ishikawa,[5] na nagpayunir ng mga proseso ng pamamahala ng kalidad sa mga bangkalan ng Kawasaki, at sa proseso ay naging isa sa mga tagapagtatag ng modernong pamamahala.

Unang ginamit ang pangunahing konsepto noong d. 1920, at itinuturing na isa sa mga pitong pangunahing kasangkapan sa pagkontrol ng kalidad.[6] Kilala rin ito sa pangalang diyagramang tinik dahil sa hugis nito, kahawig ng tagilirang tanaw ng kalansay ng isang isda.

Ang mga sanhi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga sanhi (causes) na sumasanga mula sa iskeleton ng Ishikawa Diagram ay:

Manufacturing Industries: 5M+E

[baguhin | baguhin ang wikitext]
1. Materyal (Material)- mga produkto o serbisyo na dapat maproseso ng manggagawa para sa kanilang mga tungkulin
2. Makina (Machine)- pasilidad na ginagamit ng tao para magawa ang trabaho
3. Paraan (Method) - pagproseso ng isang gawain
4. Tao (Man) - gumagawa ng isang trabaho; nagpoproseso ng produkto o serbisyo
5. Kapaligiran (Environment) - kondisyon ng lugar na pinaggaganapan ng trabaho

Service Industries: 4Ps

[baguhin | baguhin ang wikitext]
1. Patakaran (Policies) - mga gabay sa pagpapasakatuparan ng trabaho o alituntunin
2. Pamamaraan (Procedure) - paraan ng paggawa ng isang tungkulin o trabaho
3. Tao (People) - gumagawa ng isang trabaho; nagpoproseso ng produkto o serbisyo
4. Planta (Plant/ Technology) - lugar kung saan isinasagawa ang mga trabaho

Mga akbang sa Paggawa ng Ishikawa Diagram:

1. Tukuyin ang pangunahing problema.

2. Alamin at isulat ang mga malalaking kadahilanan ng pangunahing problema.

3. Kilalanin ang mga sanhi ng mga malalaking kadahilanan na ito, at isanga mula rito ang mga sanhi.

4. Suriin ang dayagram upang mabakas ang tunay na ugat ng problema.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-06-02. Nakuha noong 2012-03-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Project Management Institute 2015, pp. 20–24, §2.4.4.2 Cause-and-Effect Diagrams.
  3. Ishikawa, Kaoru (1968). Guide to Quality Control [Gabay sa Pagkontrol sa Kalidad] (sa wikang Ingles). Tokyo: JUSE.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ishikawa, Kaoru (1976). Guide to Quality Control [Gabay sa Pagkontrol sa Kalidad] (sa wikang Ingles). Asian Productivity Organization. ISBN 92-833-1036-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Hankins, Judy (2001). Infusion Therapy in Clinical Practice (sa wikang Ingles). Terapiyang Inpusyon sa Kasanayang Klinikal. p. 42.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Tague, Nancy R. (2004). "Seven Basic Quality Tools" [Pitong Pangunahing Kasangkapan sa Kalidad]. The Quality Toolbox (sa wikang Ingles). Milwaukee, Wisconsin: American Society for Quality. p. 15. Nakuha noong 2010-02-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

1. Mind Tools. http://www.mindtools.com/pages/article/newTMC_03.htm. Websayt. Nakuha noong Marso 22, 2011. 2. ASQ. http://asq.org/learn-about-quality/cause-analysis-tools/overview/fishbone.html. Websayt. Nakuha noong Marso 22, 2011.

Ekonomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.