Ismailismo
Itsura
Ang Ismāʿīlismo (Arabe: الإسماعيلية al-Ismāʿīliyya; Persa: اسماعیلیانEsmāʿiliyān; Urdu: إسماعیلی Ismāʿīlī) ang ikalawang pinakamalaking sangay ng Islam na Shia pagkatapos ng Twelver (Ithnāʿashariyya). Nakuha ng Ismāʿīlī ang pangalan nito mula sa pagtanggap kay Ismāʿīl ibn Jaʿfar bilang hinirang na kahaliling espiritwal na (Imām) kay Jaʿfar aṣ-Ṣādiq kung saan ito ay iba mula sa Twelver na tumatanggap kay Mūsà al-Kāżim na mas batang kapatid ni Ismāʿīl bilang ang tunay na Imām.