Pumunta sa nilalaman

Kagawarang Panghukuman (Pilipinas)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kagawaran ng Tagapaghukom)

Ayon sa ikawalong kapitulo ng konstitusyong 1987:

Ang kagarawang panghukuman (The Judicial Branch)

Seksiyon 1. Dapat masalalay ang kapangyarihang panghukuman sa isang Kataastaasang Hukuman at sa mga nakakababang hukuman na maaaring itatag ng batas.

   Saklaw ng kapangyarihang panghukuman ang tungkulin ng mga hukuman ng katarungan na ayusin ang nangyayaring mga sigalot na kinakasangkutan ng mga karapatang nararapat hingin at ipatupad nang naaayon sa batas at pasyang kung mayroon o walang naganap na lubhang pagsasamantala sa direksiyon na humantong sa kawalan o kalabisan sa hurisdiksiyon  sa panig ng alin mang sangay o instrumentalidad ng pamahalaan.

Seksiyon 2. Ang Kongreso ay dapat may kapangyarihang tumiyak, magtakda, at mag-ayaw-ayaw ng hurisdiksiyon ng iba't ibang hukuman datapwat hindi maaaring alisan ang Kataastaasang Hukuman ng hurisdiksiyon sa mga usaping iniisaisa sa Sekyon 7 rito.

   Hindi dapat magpatibay ng ano mang batas na nagbabagong-tatag sa mga hukuman kung ito'y magpapabuway sa kaseguruhan ng takdang panahon ng panunungkulan ng mga Kagawad nito.

Seksiyon 3. Dapat magtamasa ng pasasarili sa pananalapi ang mga Hukuman. Ang mga laang-gugulin para sa mga Hukuman ay hindi maaaring bawasan ng lehislatura nang mababa kaysa sa halagang inilaan para sa nakaraang taon at, pagkaraang mapagtibay, dapat ipalabas nang kusa at regular.

Seksiyon 4. (1) Ang Kataastaasang Hukuman ay dapat buuin ng isang Punong Mahistrado at labing-apat na Kasamang Mahistrado. Ito ay maaaring magpasya en-banc o sa direksiyon nito, sa mga dibisyong binubuo ng tatlo, lima, o pitong kagawad. Ang ano mang bakante ay dapat punan sa loob ng siyamnapung araw simula sa pagsapit niyon.

   (2)  Ang lahat ng mga usaping may kinalaman sa konstitusyonalidad ng ano mang kasunduang-bansa, kasunduang internasyonal o tagapagpaganap, o batas na dapat dinggin ng Kataastaasang Hukuman en banc, at lahat ng iba pang mga usapin na sa ilalim ng mga alituntunin ng hukuman ay kinakailangang marinig en banc, kabilang ang mga may kinalaman sa konstitusyonalidad, paglalapat, o pagpapairal ng mga decree ng Pangulo, mga proklamasyon, mga kautusan, mga tagubilin, mga ordinansa, at iba pang mga regulasyon, ay dapat pasyahan nang may pagsang-ayon ang nakararaming mga Kagawad na talagang nakibahagi sa mga deliberasyon tungkol sa mga issue sa usapin at bumoto roon.
   (3)  Ang mga kaso o bagay na dininig ng mga dibisyon ay dapat pasyahan o lutasin nang may pagsang-ayon ang nakararaming mga Kagawad na talagang nakibahagi sa mga deliberasyon ng mga issue sa usapin at bumoto roon, at hindi kailanman, nang walang pagsang-ayon ang tatlo man lamang ng gayong mga kagawad.  Kapag hindi natamo ang kilankailangang bilang, ang usapin ay dapat pagpasyahan en banc, sa pasubali, na ang ano mang doktrina o simulain ng batas na inilagda ng Hukuman sa isang pasya na iginawad en banc o sa dibisyon ay hindi maaaring baguhin o baligtarin mabilan sa pagpapasya en banc ng Hukuman.

Seksiyon 5. Dapat magtaglay ang Kataastaasang Hukuman ng sumusunod na mga kapangyarihan:

   (1)  Gumamit ng orihinal na hurisdiksiyon sa mga usaping may kinalaman sa mga ambasador, iba pang mga minister pambayan, at mga konsul, at sa mga petisyon para sa certiorari, prohibition, mandamus, quo warranto, at habeas corpus.
   (2)  Repasuhin, rebisahin, baligtarin, baguhin, o patibayan sa paghahabol o certiorari, ayon sa mga maaaring itadhana ng batas o ng mga alituntunin ng hukuman, ang mga pangwakas na pagpapasya at mga kautusan ng mga nakabababang hukuman sa:
           (a)  Lahat ng mga usapin na ang konstitusyonalidad o validity  ng ano mang kasunduang-bansa, kasunduang internasyonal o tagapagpaganap, batas, decree ng pangulo, ordinansa, kautusang tagapagpaganap, proklamasyon, o regulasyon ay pinagtatalunan.
           (b)  Lahat ng mga usapin na kinsasangkutan ng legalidad ng ano mang buwis, singil, tasasyon, o toll, o ano mang parusang ipinataw kaugnay niyon.
           (k)  Lahat ng mga usapin na ang saklaw ng alin mang nakabababang hukuman ay pinagtatalunan.
           (d)  Lahat ng mga usaping kriminal na ang parusang ipinapataw ay reclusion perpetua o higit pa.
           (e)  Lahat ng mga usapin na pagkakamali o suliranin sa batas lamang ang nasasangkot.
   (3)  Magtalagang pansamantala ng mga hukom ng mga nakabababang hukuman sa ibang himpilan ayon sa maaaring kailanganin ng kapakanang pambayan.  Ang gayong pansamantalang pagtatalaga ay hindi dapt lumampas sa anim na buwan nang walang pagsang-ayon ang kinauukulang hukom.
   (4)  Iatas ang pagbabago ng venue o lugar ng paglilitis upang maiwasan ang pagkabigo ng pagpapairal ng katarungan.
   (5)  Maglagda ng mga alituntunin tungkol sa pangangalaga at pagpapatupad ng mga karapatang konstitusyonal, pleading, practice, at pamamaraan sa lahat ng mga hukuman, pagtanggap sa practice bilang abogado, integrated bar, at tulong na pambatas sa mga kapus-palad.  Ang gayong mga alituntunin ay dapat magtakda ng payak at di magastos na pamamaraan para sa mabilis na pagpapasyal sa mga usapin maing magkakatulad sa lahat ng hukuman na magkakakaatas, at hindi magbabawas, magdaragdag, o magbabago ng mga karapatang makabuluhan.  Ang mga alituntunin ng pamamaraan ng mga tanging hukuman at mga kalupunan  na mala-panghukuman ng Kataastaasang Hukuman.
   (6)  Humirang ng lahat ng mga pinuno at mga kawani ng mga hukuman ayon sa Batas ng Serbisyo Sibil.

Seksiyon 6. Ang Kataastaasang Hukuman ay dapat magtaglay ng superbisyong pampangasiwaan sa lahat ng mga hukuman at sa mga tauhan nito.

SEksiyon 7. (1) Hindi dapat mahirang na Kagawad ng Kataastaasang Hukuman o ng alinmang nakabababang hukumang kolehiyado ang sino magn tao matangi kung siya ay katutubong ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas. Ang isang Kagawad ng Kataastaasang Hukuman ay kinakailangang apatnapung taon man lamang ang gulang, at kinakailangang sa loob ng labinlimang taon o higit pa ay naging hukom ng isang nakabababang hukuman o nag-practice bilang abogado sa Pilipinas.

   (2)  Dapat magtakda ang Kongreso ng mga katangian nga mga hukom ng mga nakabababang hukuman, ngunit hindi maaaring mahirang na hukom ang sino mang tao matangi kung siya ay isang mamamayan ng Pilipinas at kabilang sa Philippine Bar.
   (3)  Ang isang kagawad ng hukuman ay kinakailangang nag-aangkin ng subok na kakayahan, kalinisang-budhi, katapatan, at malayang pag-iisip.

SEksiyon 8. (1) Nililikha sa pamamagitan nito ang isang Judicial and Bar Council sa pangangasiwa ng Kataastaasang Hukuman na binubuo ng Punong Mahistrado bilang Tagapangulo ex-officio, ng Minister ng Katarungan at ang kinatawan ng Kongreso bilang mga kagawad ex-officio, ng isang kinatawan ng integrated bar, ng isang propesor ng batas, ng isang retiradong kagawad ng Kataastaasang Hukuman at ng isang kinatawan ng pribadong sektor.

   (2)  Dapat hirangin ng Pangulo ang mga regular na kagawad ng council para sa taning na panahon ng panunungkulan na apat na taon nang may pagsang-ayon ng Komisyon ng Paghirang.  Sa mga Kagawad na unang hinirang, ang kinatawan ng integrated bar ay dapat manungkulan sa loob ng apat na taon, ang propesor ng batas sa loob ng tatlong taon, ang retiradong mahistrado sa loob ng dalawang taon, ang kinatawan ng pribadong sektor sa loob ng isang taon.
   (3)  Ang Clerk ng Kataastaasang Hukuman ay dapat maging Kalihim ex-officio ng Council at dapat mag-ingat ng katitikan ng mga pulong nito.
   (4)  Ang mga regular na Kagawad ng Council ay dapat tumanggap ng mga pabuya na maaaring itakda ng Kataastaasang Hukuman.  Ang Kataastaasang Hukuman ay dapat maglaan sa taunang budget nito ng laang-gugulin para sa Council.
   (5)  Ang Council ay dapat magtaglay ng pangunahing tungkulin na magtagubiliin ng mga hihirangin ng hukuman.  Ito ay maaaring gumanap ng iba pang mga gawain at tungkulin na maaaring iatas ng Kataastaasang Hukuman.

SEksiyon 9. Dapat hirangin ng Pangulo ang mga Kagawad ng Kataastaasang Hukuman at mga hukom ng mga nakabababang hukuman mula sa isang talaan ng tatlong nominee man lamang na inihanda ng isang Judicial and Bar Council para sa bawat bakante. Hindi kinakailangan ang kompirmasyon sa naturang mga paghirang.

   Para sa mga nakabababang hukuman, dapat ipalabas ng Pangulo ang mga paghirang sa loob ng siyamnapung araw mula sa paghaharap ng talaan

SEksiyon 10. Ang sweldo ng Punong Mahistrado at ng mga Kasamang Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman, at ng mga hukom ng mga nakabababang hukuman ay dapat itakda ng batas. Hindi dapat bawasan ang kanilang mga sweldo sa panahon ng kanilang panunungkulan.

SEksiyon 11. Dapat manungkulan ang mga Kagawad ng Kataastaasang Hukuman at ang mga hukom ng mga nakabababang hukuman habang maganda ang kanilang kaasalan hanggang sa sapitin nila ang gulang na pitumpung taon o mawalan ng kakayahang magsagawa ng mga tungkulin ng kanilang katungkulan. Dapat magtaglay ang Kataastaasang Hukuman en banc ng kapangyarihang disiplinahin ang mga hukom ng mga nakabababang hukuman, o iatas ang kanilang pagkakatiwalag sa pamamagitan ng boto ng nakararami at ng isa pang Kagawad na talagang nakibahagi sa mga deliberasyon ng mga issue ng usapin at bumoto roon.

SEksiyon 12. Ang mga Kagawad ng Kataastaasang Hukuman at ng iba pang mga hukumang itinatag ng batas ay hindi dapat italaga sa alin mang tanggapan na gumaganap ng mga gawaing mala-panghukuman o pampangasiwaan.

SEksiyon 13. Ang mga pagpapasya ng Kataastaasang Hukuman sa ano mang usapin na iniharap dito upang pasyahan en banc o sa division ay dapat mabuo sa pagsasanggunian bago italaga ang isang usapin sa isang Mahistrado upang sulatin ang opinyon ng Hukuman. Dapat magpalabas ng isang sertipikasyon tungkol dito na nilagdaan ng Punong Mahistrado at ang isang sipi niyon ay dapat ilakip sa record ng usapin at ipahatid sa mga panig. Ang sino mang Mahistrado na hndi nakibahagi o salungat, o di-lumahok sa isang pasya o resolusyon ay kinakailangang maglahad ng gma katwiran na batayan nito. Ganito ring mga pangangailangan ang dapat sundin ng lahat ng nakabababang hukumang kolehiyado.

SEksiyon 14. Hindi dapat maglagda ng ano mang pasya ang alin mang hukuman nang hindi inilalahad doon nang malinaw at di maipagkakamali ang mga pangyayari at ang batas na pinagbabatayan nito.

   Hindi dapat pagkaitan ng marapat ng hakbangin o tanggihan ang ano magn petisyon sa pag-review o motion para rekonsiderasyon sa isang pasya ng hukuman nang hindi inilahad ng legal na batayan nito.

SEksiyon 15. (1) Ang lahat ng mga usapin o bagay na idinulog mula sa pagkakabisa ng Konstitusyong ito ay kinakailangan ay kinakailangang pasyahan o lutasin sa loob ng dalawampu't apat na buwan mula sa petsa ng pagkakadulog nito para sa Kataastaasang Hukuman, at, matangi kung iklian ng Kataastaasang Hukuman, labindalawang buwan para sa lahat ng mga nakabababang hukumang kolehiyado, at talong buwan ang para sa lahat ng iba pang mga nakabababang hukuman.

   (2)  Ang isang usapin o bagay ay ituturing na idinulog para sa pagpapasya o paglutas sa sandaling iniharap ang panghuling pleading, brief, o memorandum na itinakda ng mga Alituntunin ng Hukuman o ng hukuman na rin.
   (3)  Pagkatapos ng kaukulang panahon, ang isang sertipikasyon hinggil dito na nilagdaan ng Punong Mahistrado o ng namumunong hukom ay dapat igawad agad at ilalakip ang isang sipi niyon sa record ng usapin o bagay, at ipahahatid sa mga panig.  Dapat isaad ng sertipikasyon kung bait hindi naihayag o naigawad ang pasya o resolusyonsa loob ng naturang panahon.
   (4)  Sa kabila ng paglipas ng ipinatutupad na taning ng panahon, dapat pasyahan o lutasin ng hukuman, nang hindi makahahadlang sa pananagutang natamo bunga niyon, ang usapin o bagay na iniharap sa pagpapasya nito, nang wala nang pagkabalam.

SEksiyon 16. Ang Kataastaasang Hukuman, sa loob ng tatlumpung araw mula sa pagbubukas ng bawat regular na sesyon ng Kongreso, aya dapat magharap sa Pangulo at sa Kongreso ng taunang ulat ng mga pamalakad at mga gawain ng mga Hukuman.