Kapulungan ng mga kinatawan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Kapulungan ng mga representantibo o Kapulungan ng mga kinatawan(sa Ingles ay house of Representatives) ang pangalan ng lehislatura ng maraming mga bansa. Sa ibang mga bansa, ang Kapulungan ng mga representatibo ay tumutukoy sa "mababang kapulungan"(lower house) ng isang bikameral na lehislatura samantalang ang "mataas na kapulungan"(upper house) ay tinatawag na "senado". Sa ibang bansa, ang Kapulungan ng mga representatibo ang tanging kamara(chamber) ng unikameral na lehislatura. Ang tungkulin ng Kapulungan ng mga Representatibo ay hindi magkakapareho sa bawat bansa at ito'y depende sa kung ang isang bansa ay may sistemang parliamentaryo o sistemang pampanguluhan (presidential).