Kashmir
Ang Kashmir (Padron:Lang-ks; Urdu: کشمیر; Uyghur: كەشمىر; Padron:Lang-scl) ang hilagang-kanlurang rehiyon ng subkontinenteng Indiyano. Ito ay tinatawag ring Langit sa Mundo o Langit sa Lupa dahil sa natural na malawakang kagandahan nito. Hanggang noong gitna ng ika-19 na siglo, ang terminong Kashmir ay heograpikong tumutukoy lamang sa Lambak Kashmir sa pagitan ng Mga dakilang Himalaya at saklaw na kabundukang Pir Panjal. Ngayon, ito ay tumutukoy sa mas malaking saklaw na kinabibilangan ng pinangangasiwaan ng India na estadong Jammu at Kashmir (na binubuo ng Jammu, Lambak Kashmir, at mga rehiyong Ladakh), ang pinangangasiwaan ng Pakistan na mga teritoryo ngAzad Kashmir at Gilgit–Baltistan at pinangangasiwaan ng Tsina na mga rehiyong Aksai Chin at Trans-Karakoram Tract.
Sa unang kalahati ng unang milenyo, ang rehiyong Kashmir ay naging mahalagang sentro ng Hinduismo at kalaunan ng Budismo. Noong ika-9 na siglo lumitaw dito ang Kashmir Shaivism arose.[1] Noong 1349, si Shah Mir ang naging unang pinunong Muslim ng Kashmir at pinasinaya na Salatin-i-Kashmir o dinastiyang Swati.[2] Sa sumunod na mga limang siglo, ang mga haring Muslim ay namuno sa Kashmir kabilang ang mga Mughal na namuno mula 1526 hanggang 1751, at pagkatapos ay ang Imperyong Durrani na Afghan na namuno mula 1747 hanggang 1820.[2] Noong taong iyon, ang mga Sikha sa ilalim ni Ranjit Singh ay nagdagdag ng Kashmir.[2] Noong 1846, sa pagkakabili ng rehiyon mula sa British sa ilalim ng Kasunduang Amritsar, ang mga Dogra Rajput sa ilalim ni Gulab Singh ay naging mga bagong pinuno. Ang pamumunong Dogra sa ilalim ng paramountcy (o tutelage) ng Koronang British ay tumagal hanggang 1947 nang ang dating estadong makaprinsiper ay naging pinagtalunang teritoryo na pinangangasiwan ngayon ng mga tatlong bansa na India, Pakistan at Tsina.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Basham, A. L. (2005) The wonder that was India, Picador. Pp. 572. ISBN 0-330-43909-X, p. 110.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Imperial Gazetteer of India, volume 15. 1908. Oxford University Press, Oxford and London. pp. 93-95.