Korte Suprema
Itsura
(Idinirekta mula sa Kataas-taasang hukuman)
Ang korte suprema (mula sa Espanyol na corte suprema) o ang kataas-taasang hukuman ay ang pinakamataas na hukuman sa herarkiya ng maraming hurisdiksiyong legal. Ang ilang katawagan sa mga kahalintulad na hukuman ay hukuman ng hulíng dulugan, pinakamataas na hukuman ng apelasyon at iba pa. Ang kapasiyahan ng isang kataas-taasang hukuman ay hindi na sumasailalim pa sa pagsusurì ng iba pang hukuman. Karaniwang ginagampanan ng kataas-taasang hukuman ang pagdinig ng mga apela hinggil sa kapasiyahan ng mga mabababang hukumang paglilitis, o ng mga nakapagitang hukumang apelasyon.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Supreme court - Define Supreme court at Dictionary.com". Dictionary.com (sa wikang Ingles).