Katedral ng Gravina
Itsura
Ang Katedral ng Gravina (Italyano: Duomo di Gravina; Basilica concattedrale di Santa Maria Assunta) ay isang Katoliko Romanong katedral na matatagpuan sa Gravina in Puglia, rehiyon ng Apulia, Italya. Dati ito ang luklukan episkopal ng Diocese ng Gravina. Mula noong 1986, kasama ang Katedral ng Altamura at Katedral ng Acquaviva, nagsisilbi itong konkatedral ng Diyosesis ng Altamura-Gravina-Acquaviva delle Fonti.
Noong Agosto 1993 ipinagkaloob ni Papa Juan Pablo II sa katedral ang katayuan bilang isang basilika menor.[1]