Pumunta sa nilalaman

Kending baston

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dalawang kending tungkod.

Ang kending baston o kending tungkod, kilala sa Ingles bilang candy cane, ay isang matigas na kending hugis baston o tungkod na may baluktot na hawakan. Karaniwan itong kulay puti at pulang pahabang mga guhit na nagsasalitan. Ang lasa ng kending ito ay parang katulad ng Mentha piperita (peppermint, literal na paminta't menta). Gawa rin ito sa maraming iba pang mga lasa at mga kulay. Ang kending baston ay isang nakaugaliang kendi tuwing Pasko sa Estados Unidos, at sa ibang mga bansang naimpluwensiyahan ng bansang ito, subalit maaari rin itong mayroon sa nalalabing mga araw ng taon. Isa itong masagisag na bagay ng Kapaskuhan, at isa sa mga paboritong mga pagkain ng maliliit na mga bata.

Noong ika-17 daantaon, tanyag ang puting mga patpat ng kendi, subalit hindi sila makulay.[1] Batay sa tradisyon, ang maestro ng koro ay humiling sa mga tao na gumagawa ng mga kendi na baluktutin ang mga patpat na kendi upang magmukha silang mga tungkod ng pastol, at ibinigay niya ang mga kending baston sa mga bata upang mapanitiling tahimik ang mga batang ito.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Candy Canes and Silver Lanes: The Invention of a Holiday Favorite". inventhelp.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Disyembre 2010. Nakuha noong 6 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Garrison, Webb. Treasury of Christmas Stories. Nashville: Rutledge Hill Press, 1990. ISBN 1-55-853087-8.