Implikasyon
Itsura
(Idinirekta mula sa Kondisyonal)
Ang implikasyon ay kasingkahulugan ng mga salitang pagkakadamay, pagkakasangkot, pagsasangkot, pagdaramay, dalawit, dawit, at pagkakadawit; maaari rin itong maging may kaugnayan sa mga salitang hiwatig at pahiwatig. Ang implikasyon ay ang ugnayan sa pagitan ng dalawang mga pahayag ng isang pahayag na may pasubali (pahayag na may kondisyon) na , na tinatawag na nauuna (antesedente) at , na tinatawag na kinahinatnan o konsekwente (kinalabasan, bunga, resulta) kapag ang ay nagpapahiwatig ng .
Sa lohika, ang kinahinatnang panglohika (kinahinatnang lohikal) ay isang diwang saligan na kadalasang ginagamit na kasingkahulugan ng implikasyon. Subalit sa kung minsan ang kataga ay ginagamit upang maipakita ang pagkakaiba ng mga sumusunod:
- Kinahinatnang panglohika (implikasyong lohikal, implikasyon o pagsama (mangailangan, kailanganin), ugnayan ng kinahinatnan), isang ugnayan (relasyong binaryo) sa pagitan ng mga pahayag kapag ang isang ay nagpapahiwatig ng isa pang ; at
- Pasubaling pangmaterya (implikasyong materyal, kundiyunal na materyal, kundisyunal o implikasyong kundisyunal), isang konektibong lohikal (nag-uugnay na panglohika) at binaryong tungkulin ng katotohanan.
Ibang mga paggamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sa lohikang modal, Mahigpit na kundisyunal (implikasyong istrikto, pasubaling mahigpit) ay isang pangkunektang modal, isang nag-uugnay na panglohika ng lohikang modal na nagpapahayag ng pangangailangan.
- Sa lingguwistika, na tiyak na nasa pragmatiks:
- Implikatura
- Pagbubuntot (pagsasama)
- Sa diyagnosis na medikal, ang metodong siyentipiko, at porensiks, isang dulot na hipotetikal ay nasangkot o ipinahihiwatig kapag ang dahilan para sa isang kundisyon o kalagayan ay matatagpuan, na ibinigay ang sanhing iyon.