Pumunta sa nilalaman

Kaamerikahan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kontinente ng Amerika)
Mapa ng daigdig na nagpapakita ng kinalalagyan ng Kaamerikahan.

Ang Kaamerikahan (Ingles: The Americas, literal na "Mga Amerika") ay isang katagang ginagamit upang tukuyin ng superkontinente ng Amerikano: na kinabibilangan ng mga kontinente ng Hilagang Amerika, Timog Amerika, at ng dalahikan o tangway ng Gitnang Amerika. Ang Kaamerikahan ay nasa Kanlurang Emisperyo at sumasakop sa 8.3% ng kalatagan ng mundo. Sa katawagang Ingles na The Americas, kailangang gamitin ang the o "ang" sa loob ng isang buong pangungusap sapagkat ang pangngalan "Amerika" ay nasa anyong maramihan o plural form. Ang salitang Amerikano ay karaniwang ginagamit upang mangahulugang isang tao o isang bagay mula sa Estados Unidos. Ang mga tao at mga bagay na nagmula sa anumang mga bansa sa alinman sa Kaamerikahan—Hilagang Amerika, Gitnang Amerika, Timog Amerika—ay paminsan-minsang tinatawag na "Amerikano".

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]