Pumunta sa nilalaman

Kompuwesto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kumpuwestong pangkimika)

Ang kompuwestong kimikal o chemical compound ay isang kemikal na sustansiya na binuo mula sa dalawa o higit pang elementong kimikal, na may tiyak na proporsyon na nagtatakda sa kayarian nito at pinagsasama sa isang inilarawang kaayusang pang-espasyo ng mga kawing kimikal . Halimbawa, ang tubig (H2O) ay isang kompuwesto na binubuo ng dalawang atomo ng idroheno sa bawat isang atomo ng oksiheno. Sa pangkahalatan, ang tiyak na tagway na ito ay dapat na manatiling matatag dahil sa katangiang pisikal at hindi dahil sa arbitraryong pag-aayos ng tao. Ito ang dahilan kung bakit ang ang mga materyal na gaya ng tanso, ang superkonduktor na YBCO, ang semikonduktor na aluminum galium arsenide o tsokolate ay itinuturing na mga mixture o alloy at hindi kompuwesto.

Ang katangitanging likas ng isang kompuwesto ay ang pagkakaroon nito ng pormulang kimikal. Inilalarawan ng pormula ang ratio ng mga atomo sa isang sustansiya, at ng bilang ng mga atomo sa isang molekula ng sustansiya (kaya ang pormula ng ethene ay C2H4 hindi CH2). Hindi ipinapakita ng pormula kung ang isang kompuwesto ay binubuo ng mga molekula; halimbawa, ang sodium chloride (karaniwang asin, NaCl) ay isang kompuwesto ioniko.

Ang mga kompuwesto ay maaring magkaroon ng maraming yugto. Maraming mga kompuwesto ay solido. Ang mga kompuwestong molekula ay maari ring maging likido o gas. Ang lahat ng kompuwesto ay masisira upang maging mas maliit na kompuwesto o indibidwal na atomo kung papainitan sa isang tiyak na temperatura na tinatawag na temperatura ng dekomposisyon. Ang bawat kompuwesto ay binibigyan sa lathala ng isang natatanging bilang, ang kanyang bilang ng CAS.

Mga uri ng kumpuwesto

[baguhin | baguhin ang wikitext]