Kuwento ni Ahiqar
Ang Kwento ni Ahiqar ay isang kwento sa Sinaunang Malapit na Silangan noong ika-5 siglo BCE. Si Ahiqar ay isang pantas na naging kansilyer ng mga haring sina Sennacherib at Esarhaddon.
Kwento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Ahiqar ay isang kansilyer ng mga haring Assiryo na sina Sennacherib at Esarhaddon. Dahil wala siyang anak, kanyang inampon ang kanyang pamangking si Nadib/Nadan at ginawang kahalili sa trono. Tinangkang patayin ni Nadab si Aquiar at sinumbong kay Essarhadon na si Ahiqar ay nagtaksil. Sinentensiyahan ni Essarhadon si Ahiraq ng kamatayan at ipinakulong. Gayunpaman, pinaalala ni Ahiqar sa berdugo na iniligtas niya ang isa pang berdugo sa parehong kapalaran sa ilalim ni Sennacherib. Pinatay ng berdugo ang isa pang preso at nagpanggap na ito ang katawan ni Ahiqar. Ang ilang mga kalaunang teksto ng kwento ay nagsasalaysay na si Ahiqar ay lumitaw mula sa bilangguan at nagbigay payo sa hari ng Sinaunang Ehipto. Si Ahiqar ay bumalik at sinuway si Nadab gamit ang mga kawikaan. Sa pakikinig ni Nadab ng mga kawikaan ni Ahiqar, siya ay namatay dahil sumabog ang kanyang tiyan.
Mga halimbawa ng mga kawikaaan ni Ahiqar
[baguhin | baguhin ang wikitext]2:19 O anak kong lalake! Huwag maging ulol sa mga kapitbahay mo at huwag kumain ng kanyang mga tinapay at huwag magalak sa mga sakuna ng iyong mga kapitbahay.
2:8 O anak kong lalake! Huwag madaya ng isang babae sa kanyang mga pananalita at ikaw ay mamamatay sa pinakamahirap na mga kamatayan at ikaw ay mabibitag sa kanyang lambat hanggang sa ikaw ay masilo. 26 0 my son! let not thy parents curse thee, and the Lord be pleased with them; for it hath been said, "He who despiseth his father or his mother let him die the death (I mean the death of sin); and he who honoureth his parents shall prolong his days and his life and shall see all that is good."
27 O anak kong lalake! Huwag maglalakad sa lansanganan nang walang mga sandata sapagkat hindi mo alam kung kelan mo makikita ang iyong kaaway upang ikaw ay maging handa sa kanya.
2:42 O anak kong lalake! huwag mong turuan ang mangmang ng wika ng mga marurunong na tao sapagkat itoy ay magiging pabigat sa kanya.
2:47 O anak kong lalake! ang kagandahan ay lilipas ngunit ang pagkatuto ay tumatagal, at ang mundo ay maglalaho at mawawalan ng kabuluhan ngunit ang mabuting pangalan ay hindi mawawalang kabuluhan o maglalaho.
2:48 O anak kong lalake! ang taong walang pahinga, ang kanyang kamatayan ay mas mabuti kesa sa buhay, at ang tunog ng pagtatangis, sapagka't ang kalungkutan at pagtatangis kung ikaw ay may takot sa Diyos ay mas mabuti kesa sa tunog ng pag-awit at kagalakan.
2:50 O anak kong lalake! Ang isang maliit na kayamanan ay mas mabuti kesa sa nagkalat na kayamanan.
2:51 O anak kong lalake! Ang isang patay na aso ay mas mabuti kesa sa isang patay na mahirap na tao.
2:52 O anak kong lalake! Ang isang mahirap na tao na gumagawa ng mabuti ay mas mabuti kesa sa isang mayaman na namatay sa kanyang mga kasalanan.
2:58 O anak kong lalake! Huwag magagalak sa kamatayan ng iyong kaaway sapagkat sa sa kaunting panahon, ikaw ay kanyang magiging kapitbahay at siyang tumutuya sa iyo ay iyong igalang at parangalan at iyo siyang batiin ng pauna.
2:60 O anak kong lalake! Kung nais mong maging matalino, pigilan ang iyong dila sa pagsisinungaling at ang iyong mga kamay sa pagnanakaw at iyong mga mata sa paggawa ng kasamaan at ikaw ay tatawaging matalino.
3:3 O anak kong lalake! Kung marinig mo ang isang balita, huwag itong ikalat, kapag ikaw ay may nakita, huwag mong sabihin