Pumunta sa nilalaman

Ang Mangingibig ni Ginang Chatterley

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lady Chatterley's Lover)

Ang Mangingibig ni Ginang Chatterley (Ingles: Lady Chatterley's Lover) ay isang nobela ni D. H. Lawrence, na unang nalathala noong 1928. Ang unang edisyon ay pribadong nalimbag sa Plorensiya, Italya na may pagtulong ni Pino Orioli; hindi ito lantarang mailathala sa Nagkakaisang Kaharian hanggang sa pagsapit ng 1960. Isang pribadong edisyon ang inilabas ni Inky Stephensen sa pamamagitan ng kanyang Mandrake Press noong 1929.[1] Sa paglaon, ang aklat ay naging palasak dahil sa kuwentong nakapaloob dito ng ugnayang pangkatawan sa pagitan ng isang lalaking nasa antas ng mga manggagawa at ng isang babaeng kasapi sa aristokrasya, dahil sa lantarang paglalarawan ng pagtatalik, at ang paggamit nito (sa panahong iyon) ng mga "salitang hindi maililimbag".

Sinasabing ang kuwento ay nagmula sa mga kaganapan sa hindi masayang buhay sa kanyang tahanan ni Lawrence, at kumukuha siya ng inspirasyon para sa mga tagpuan ng aklat mula sa Eastwood, Nottinghamshire, kung saan siya lumaki. Ayon sa ilang mga manunuri, ang pahapyaw na ugnayan ni Ginang Ottoline Morrell kay "Tiger" (Tigre), isang masong-bato na nasa kanyang kabataan at dumating upang umukit ng mga platapormang tuntungan ng mga estatuwa para sa halamanan ni Ginang Morrell, ay nakaimpluwensiya rin sa kuwento.[2] Sa isang pagkakataon, isinaalang-alang na pamagatan ni Lawrence ang nobela bilang Tenderness ("Kalambingan") at nagsagawa ng mahahalagang mga pagbabago sa teksto at kuwento sa loob ng proseso ng kumposisyon nito. Nailathala ito sa tatlong magkakaibang mga bersiyon.

Pagpapakilala sa banghay ng kuwento

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakatuon ang kuwento sa isang kasal na babaeng nasa kanyang kabataan, si Constance (ang Lady Chatterley), na ang asawang nasa pang-itaas na antas ng lipunan, ay naging paralisado at naging impotente (walang kakayahang makipagtalik). Ang kanyang kasayangan na pangpagtatalik ay humantong sa kanyang pakikiapid kay Oliver Mellors, isang tagapamahala ng lupaing pinangangsuhan ng hayop. Ang nobelang ito ay tungkol sa pagkatuklas ni Constance na hindi siya maaaring mamuhay sa pamamagitan ng isipan lamang; dapat na maging masigla rin ang kanyang katawan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Barbara Winter, The Australia-First Movement and the Publicist, 1936-1942 (Carindale, Queensland: Glass House, 2005). ISBN 1-876819-91-X.
  2. Maev Kennedy, "The real Lady Chatterley: society hostess loved and parodied by Bloomsbury group", The Guardian, 10 Oktubre 2006. Pinuntahan noong 19 Hunyo 2008.
Wikisource
Wikisource
Ang Wikisource ay may orihinal na tekstong kaugnay ng lathalaing ito: