Liwasang Bonifacio
Ang Liwasang Bonifacio ay matatagpuan sa Lungsod ng Maynila sa Pilipinas.
Lokasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Liwasang Bonifacio sa gitna ng mga gusali ng Post Office at ng Metropolitan Theater sa Lungsod ng Maynila. Ito ay malapit sa munisipyo ng Maynila at ng Ilog Pasig. Nakatayo ang tansong estatwa ni Andres Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.[1]
Ipinagdiriwang sa Liwasang Bonifacio ang mga seremonya ng pag-alala kay Andres Bonifacio noong Nobyembre 30.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tinawag na Plaza Lawton ang Liwasang Bonifacio noong panahon ng mga Amerikano bilang paggunita kay Heneral Henry Ware Lawton na isang Amerikanong may pinakamataas na ranggo na napaslang noong Digmaang Filipino-Amerikano. Ito'y naging Liwasang Bonifacio noong sentenyal na kapanganakan ni Andres Bonifacio noong 1963 bilang paggunita kay Bonifacio bilang pambansang bayani at Supremo ng Katipunan.[1][3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Liwasang Bonifacio". CulturEd: Philippine Cultural Education Online. Nakuha noong 2024-07-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Ocampo, Ambeth R. (2015-11-29). "Bonifacio for all Filipinos not just for poor". INQUIRER.net. Nakuha noong 2024-07-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Ocampo, Ambeth R. (2014-11-12). "Changing names". INQUIRER.net. Nakuha noong 2024-07-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)