Pumunta sa nilalaman

Temporal na lobo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lobong temporal)
Utak: Temporal na lobo
Lobes of the human brain
Section of brain showing upper surface of temporal lobe.
Latin lobus temporalis
Gray's subject #189 823
Part of Brain
Artery Middle cerebral and
Posterior cerebral
NeuroNames hier-107
MeSH Temporal+Lobe
NeuroLex ID birnlex_1160

Ang temporal na lobo (Ingles: temporal lobe) ang rehiyon sa cerebral na cortex na matatagpuan sa ilalim ng biyak na Sylvian sa parehong mga hemisperong cerebral ng utak ng mga mammal. Ang temporal na lobo ay sangkot sa pandamang pandinig at tinatahan ng pangunahing auditoryong cortex. Ito ay mahalaga rin sa pagpoproseso ng mga semantika ng parehong pananalita at paningin. Ang temporal na lobo ay naglalaman ng hippocampus at gumagampan ng mahalagang papel sa pagbuo ng pangmatagalang memorya.

Animasyon: kaliwang temporal na lobo ng isang tao(ang kanang panig nito ay katulad nito)

Ang superior temporal gyrus ay kinabibilangan ng sakop(sa loob ng biyak na Sylvian) kung saan ang ang mga hudyat na auditoryo(pandinig) mula sa cochlea (at pinahatid sa pamamagitan ng ilang mga subcortical nuclei) ay unang umaabot sa cerebral na cortex. Ang bahaging ito ng cortex(pangunahing auditoryong cortex) ay sangkot sa pandinig. Ang mga katabing lugar sa superior, posterior at lateral na mga bahagi ng temporal ng lobo ay sangkot sa mataas na lebel ng pagpoproseso ng pandinig. Sa mga tao, ito ay kinabibilangan ng pananalita kung saan ang kaliwang temporal na lobo sa partikular ay tila ginawang espesyal. Ang Wernicke's area na sumasakop sa rehiyon sa pagitan ng temporal at parietal na lobo ay gumagampan ng mahalagang papel(kasunod ng Broca's area) na sa harapang lobo. Ang mga tungkulin ng kaliwang temporal na lobo ay hindi limitado sa mababang lebel na pandama ngunit lumalawig sa pag-unawa, pagpapangalan, memoryang berbal, at iba pang mga tungkuling pang wika.

Ang ilalim na bahagi(ventral) ng temporal cortices ay lumalabas na sangkot sa mataas na lebel ng pagpoprosesong biswal(paningin) ng kompleks na stimuli gaya ng pagtanto sa mga mukha(fusiform gyrus) at mga eksena (parahippocampal gyrus). Ang mga bahaging anterior ng bentral stream para sa biswal na pagpoproseso ay sangkot sa pagtanto at pagkilala ng mga bagay. Ang medial temporal na lobo(malapit sa planong Sagittal na humahati sa kaliwa at kanang hemisperong cerebral ay pinaniniwalaang sangkot sa memoryang episodiko/memoryang deklaratibo. Sa malalim na loob ng medial temporal na lobo ay nakahimlay ang hippocampus na mahalaga sa mga tungkuling pang memorya partikular na sa paglipat mula sa panandalian memorya patungo sa pangmatagalang memorya at pagkontrol ng memoryang pang-espasyo at pag-aasal. Ang pinsala sa bahaging ito ay karaniwang nagreresulta sa anterogradong amnesia.