Louis Blériot
Si Louis Charles Joseph Blériot (1 Hulyo 1872 – 1 Agosto 1936) ay isang Pranses na abyador, imbentor, at inhinyero. Siya ang nagpaunlad ng unang praktikal na headlamp o pangharapang lampara o pang-unahang ilaw para sa mga kotse at naglunsad ng isang kumikitang negosyong nagmamanupaktura ng mga ito, na ginamit ang karamihan sa perang kinita niya upang gugulan ang kaniyang mga pagtatangka na makagawa ng isang matagumpay na sasakyang panghimpapawid. Noong 1909, naging tanyag siya sa buong mundo dahil sa pagkakagawa ng unang paglipad na tumatawid sa Kanal ng Inglatera (Kanal na Ingles) habang nakasakay sa isang sasakyang panghimpapawid na mas mabigat kaysa sa hangin (ang unang paglipad na tumatawid sa Kanal ng Inglatera ay nagawa noong 1785 na ginagamit ang isang lobong hidroheno) na nakapagpawagi sa kaniya ng gantimpalang £1,000 (katumbas ng $5,000 ayon sa halaga ng palitan noong kapanahunang iyon) na inalok ng pahayagang Daily Mail.[1][2][3] Si Blériot ay una ring nakagawa ng isang monoplanong umaandar, may makina, at may piloto.[4] at tagapagtatag ng isang matagumpay na kompanyang nagmamanupaktura ng sasakyang panghimpapawid.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Blériot, Louis. "Blériot Tells of his Flight." The New York Times, 26 Hulyo 1909. Nakuha noong 26 Hulyo 2009.
- ↑ "The New 'Daily Mail' Prizes." Flight, Tomo 5, Labas bilang 223, 5 Abril 1913, p. 393. Nakuha noong 25 Hulyo 2009.
- ↑ Clark, Nicola. "100 Years Later, Celebrating a Historic Flight in Europe." The New York Times, 24 Hulyo 2009. Nakuha noong 25 Hulyo 2009.
- ↑ Gibbs-Smith 1953, p. 239