Madikit na plaster
Ang plaster na adhesibo (Ingles: adhesive plaster, na may kahulugang "plaster na madikit") ay isang uri ng madikit na pantapal sa sugat upang mapadali ang proseso ng pagpapagaling sa nasabing sugat. Nakapagpapadali ang mga plaster na ganito sa pagdirikit ng mga gilid ng mga hiwa ng sugat, pagpapapirmi ng iba pang mga pantapal, pagtataas ng mga sanga (mga bisig at mga hita atbp.) ng katawan habang nakasudlong (ekstensiyon), pagtatakip sa mga pigsa, at iba pa. Ang isang unang kayarian ng plaster na ahesibo ay binubuo ng resin, lead plaster (plaster na tingga), matigas na sabon, na tinunaw na magkakasama at ipinahid sa mahahabang mga piraso ng linen. Ang Mead's plater ("plaster ni Mead"), na mayroong sari-saring mga lapad, ay mayroong kayariang goma, at hindi nangangailangan ng pagpapainit bago ilapat.[1]
Kaugnay ng paggamit bilang pantakip sa mga pigsa ang plaster na adhesibo, isang bilugang butas muna ang ginagawa, kung saan pinapasingaw ang tulis (o "mata") ng pigsa kung kaya't malayang nakakadaloy palabas ang mga katas ng pigsa. Pinapabilis ng plaster ang pagkahinog at paggaling ng pigsa, at nakakatulong sa paglaganap ng impeksiyon sa nakapaligid na balat na malusog at walang impeksiyon.[1]
Samantala, sa pagtatapal ng ibang mga sugat, may mainam na ginagamit ang makikitid na mahahabang mga piraso ng plaster kaysa sa malalapad, dahil malayang makakaagos ang mga katas ng sugat.[1]
Kabilang sa mga kilalang mga tatak ng madikit na mga plaster ang Band-Aid, Curad, Elastoplast, at Nexcare.